Thursday, January 24, 2008

We are back home :)

Kagabi ang dating namin ni Kenkoy mula sa Pilipinas. Sabi ni Kenkoy pagkakita niya kay Labs sa airport -- "Papa is so gwapo." Naks! Parang may hihilingin sa Papa nya. Ang lakas humirit, hehe! Pero wala naman syang hiningi. Gwapo lang daw talaga ang Papa nya :)

Nakakatuwa din si Labs dahil naglaba sya, naglinis ng bahay at naglinis ng bathroom & toilet. Alam daw nyang maiinis na naman ako pag inabutan kong madumi ang bahay kaya naglinis sya. Ang galing. Natuwa ako sa effort nya :) Malinis nga ang bahay. Malinis nga ang bathroom & toilet. Medyo nabawasan nga ang labada. Plus 10,000 pogi points for Labs :)

No comments: