Tuesday, July 01, 2008

Please pray for Aaron or Andrea

Banggitin ko na ang tunay na pangalan na napili namin para kay Kenkoy II o Kikay para maibanggit nyo po kay Lord.

Humihingi po ako ng tulong sa lahat na pakisama naman po sa inyong dalangin si bunso --- si Aaron o Andrea. Pakibanggit po sya kay Lord.

Galing kami sa check up kanina. Ultrasound ulit. Depressing ang result. Maaring special child daw si bunso. Maari ring may sakit sa puso. Sabi ng OB kailangan pa raw ng further tests para matukoy nga. Ayaw ni Labs kasi wala rin namang gamot habang ipinagbubuntis. At saka sabi namin sa OB na hindi naman namin option ang abortion. (Legal kasi ang abortion dito sa S'pore.)

Matatanggap ko naman kung special child. Kahit dati pa alam kong mamahalin ko pa rin ang anak ko kahit hindi sya normal. Kaya lang kung pwede lang sya ma-spare sa sakit at hirap, sana pwede kong magawa yun.

Pero baka daw sakit sa puso. Ito hindi na nakakabigla. Si Kenkoy kasi may congenital heart defect din. Ganun din ang Ate ni Labs. Nasa lahi. Kaya lang parang mas ok pa nung kay Kenkoy kasi nalaman namin nung naipanganak na. Hindi tulad ngayon na 7 months pa. Depressing.

Ayoko sanang i-blog ito kasi malamang makakarinig ako na kawawa naman si baby kaya lang kailangan ko ng dasal kaya nilagay ko na rin sa blog. Wala po sanang magsabi ng kawawa si baby. Hindi sya kawawa. Yun ang ayokong marinig sa ibang tao. At kahit anong mangyari, mahal na mahal pa rin namin si bunso.

Muli, humihingi ako ng tulong sa inyo na paki-dasal si Aaron o Andrea na maging normal baby sya.

Maraming maraming salamat :)

12 comments:

Anonymous said...

hello. ngayon lang ulit napadalaw. i will have you and your little one in prayers.

ingat lagi.

salme said...

hi litcoo! Believe in the power of the Lord's miracle! Ask and you shall receive! Claim healing for Aaron or Andrea!

I will send you something through email. Healing ang topic sa church ng kapatid ko.

Anonymous said...

alam mo, pareho tayo ng pananaw sa fetal screening na since di naman option ang screening, di na necessary pa na i-confirm. pero may nakapagsabi sa akin na hindi lang naman yun ang purpose ng further tests. for all you know, the tests will prove the initial findings wrong. you need not get depressed or worried unnecessarily pala. if it turns out na ma-confirm yung results, at least you can use the remaining time to prepare for baby's arrival. you can do research, find support groups, and prepare yourselves emotionally too.

pag-isipan nyo...

Anonymous said...

isa pa, kung may health problems si baby, reconsider giving birth sa KK or NUH. their neonatal units are one of the best in the region.

hugs!

Anonymous said...

ngak, mali yung nasa first comment ko... hindi option ang abortion, i meant ...

Lit Coo said...

hi tin, salamat sa pagbisita. maraming salamat din sa prayers :)

hi salme, yan ang pinipilit kong gawin ngayon -- ang 100% na magtiwala kay Lord. salamat sa forwarded emails. isa isa kong binabasa.

hi ruth, yun nga rin sana ang gusto ko sa further tests. baka ma-clear naman si baby. pero siguro ang worry nandun pa rin hanggang hindi sya nailalabas.

ayoko munang mag-research tungkol sa different chromosomal abnormalities. gusto kong magtiwala na may awa ang Diyos... na may milagrong mangyayari.

Mia Castrillo said...

share ko lang sa iyo, when i was 6 months pregnant with alyssa (my youngest who is now 9 months old) sabi sa ultrasound na my brain defect daw. my space daw sa brain na dapat wala. napaiyak ako when the sonologist told me. siempre anak ko yan eh. hindi sa kawawa siya, but of course, i would prefer that she would live a normal life. i prayed and prayed to God talaga that everything will be ok. mier assured me na feeling niya the baby will be ok. and when the father speaks then it is so. (biblical yun but i have yet to find the exact passage) now that she's born, she's 100% ok and even so smart.

i pray for you and your baby. have faith. God will be on your side. hugs to you!

Lit Coo said...

hi mia! maraming maraming salamat sa kwento mo. nakaka-uplift ng spirit :) hindi rin ako magsasawa sa pagdadasal at pagtitiwala sa Diyos. at saka ngayon ko lang naisip na probability nga lang pala yun na may abnormality... pero may probability rin na normal naman. magho-hold on ako sa probability na normal si aaron/andrea. si labs din sabi nya ok daw si baby.

salamat sa prayers. salamat sa pagdamay. God bless :)

Anonymous said...

Is that normal ultrasound? Paano nila nalaman? Nung buntis kasi ako pinag-a-undergo ako ng Oscar test. Detailed scanning daw tapos ise-check ang blood. Based daw dito malalaman kung down syndrome ang baby or may ibang abnormalities. Hindi ko kinuha kasi hindi nga option ang abortion for us kahit na may problema sa baby. Pero explain ng doctor, hindi naman lang daw yun sa purpose ng abortion. May mga sakit or abnormalities (can't remember her term) na pwedeng maagapan kung madi-discover at early stage. I agree with Ruth, malay mo nagkamali lang pala yung unang ultrasound.

Lit Coo said...

yes, normal ultrasound. may nakitang symptom kaya ang advised yung mas detailed na ultrasound para mas ma-measure at mas makita ang iba pang details. pero ayaw na namin ng further tests. wala naman sinabi yung OB ko na may treatment kung malalaman agad. more on para maging ready kami at yung mga doctors paglabas ni baby... at yung abortion nga na hindi naman namin option. probability lang naman yun. wala pang confirmed. kaya nagho-hold on kami sa probabilty na normal & healthy si baby. umaasa at nagtitiwala kami sa Diyos :) His will be done :)

Liza said...

hi litcoo! just be hopeful and continue to believe that anything is possible. i will pray for a healthy pregnancy for you. stay strong and try not to stress much as it will also affect the baby. i know you have a strong faith and kakayanin mo ang kahit ano. basta just continue believing in his power. hugs!

Lit Coo said...

salamat liza. salamat sa prayers :)