Thursday, August 07, 2008

Sana Maging Maayos Na Ang Lahat

Hindi pa rin tapos ang family crisis namin :( May 3 personal requests ako kay Lord. Yung dalawa, negative. O baka hindi pa lang ngayon ang tamang oras para matanggap namin ang positive reply. O siguro iba ang sagot/plans ni Lord para sa amin. Yung isa pang request, para kay Aaron/Andrea. Sa January pa namin malalaman ang sagot ni Lord. Sana lang dinggin Niya ang panalangin namin na healthy & normal baby si Aaron/Andrea.

Wala naman akong tampo kay Lord. Hindi ako nagdaramdam. Alam ko naman na marami akong naging kasalanan sa Kanya. Kaya lang minsan parang di ko na talaga kaya. Sabay sabay. Ang bigat sa dibdib. Minsan parang sasabog na ang utak ko.

Panay nga ang scrapbook ko ngayon... therapy ko... at para mabawasan na rin ang backlog ko dahil sigurado paglabas ni baby matatambakan ako ng layouts/albums na dapat gawin.

This year na siguro ang lowest point ng buhay ko. Sana lang malagpasan na rin namin ito. Sana. Sana. Looking forward ako sa panahon na maayos na ang lahat.

Aalalahanin ko lahat ng bagay na natutunan ko ngayon. Aalalahanin ko rin at pasasalamatan lahat ng dumamay sa amin.

Hindi pa rin ako nawawalan ng tiwala sa Diyos. Alam kong hindi Niya kami pababayaan.

3 comments:

salme said...

Just hold on. The Lord knows your needs.

Mia Castrillo said...

All these trials will soon pass. Just have faith. We continue to pray for you. :-)

Lit Coo said...

Salme & Mia, maraming maraming salamat talaga :)

Pagtapos ng bagyong ito, gagawan ko talaga ng layout ang pinagdaanan namin at kung paano kami hindi pinabayaan ni Lord.

Sana nga malampasan na namin ito.

Salamat ulit sa inyo at sa mga prayers :)