Hindi ako inggitera pero kung may isa man akong kinaiinggitan -- inggit talaga ako sa mga babaeng pampered ng asawa lalu na pag buntis. Malapit na ako manganak pero parang wala lang... walang special treatment. Di ko na iisa-isahin dito ang mga sentimyento ko. Siguro kung hirap akong mabuntis... o kaya hirap akong magbuntis... siguro alagang-alaga ako at si baby.
Sensya na po bagong taon na bagong taon ay nega ang posting ko.
4 comments:
hi lalen...baka naman hindi lang talaga si mister yung tipong maalagain pero di ibig sabihin that he loves you less...
ako pag may sakit ako gusto ko spoilt din ako kasi maarte ako pag may sakit ako haha...nung umpisa hindi masyado maalaga si mister, sinabihan ko nga, ayun nag-improve namin kahit konti.
XXXtine
hello xxxtine,
maalaga si labs at malambing. pag may sakit ako dati inaasikaso nya talaga ko.
eto lang sa pagbubuntis, iba. eh nung pinagbubuntis ko si kenkoy, ldr kami ni labs kaya di ko alam.
di ko sinasabi kay labs na gusto ko pampered (hehe) kasi mas gusto ko yung hindi inobliga. mas gusto ko yung kusa.
nagkausap na kami. madami lang daw syang iniisip ngayon. naiintindihan ko naman na :)
ay naku naiintindihan kita.. nung una din nag tatampo ako kasi parang di sya maasikaso kaso eventually naintindihan ko na rin. malapit ka na.. smile!!
pinagdaanan ko din yan...alam mo naman minsan ang mga lalaki, kailangan munang sabihan bago gawin. pero tama sabi ni Xtine, it doesn't mean he loves you less.
lapit ka na so wag na magpa-stress ok. dapat maganda ka pa rin habang nanganganak at umiire...=)
Post a Comment