Check up ni Kenkoy sa cardiologist noong March 04. Pag tingin kay Kenkoy ay sabi baka daw may Noonan syndrome si Kenkoy. Ni-refer nya kami sa isang Geneticist para mas lalung ma-check si Kenkoy. End of March ang appointment namin sa Geneticist. Pero kahit wala pa ang result ng check-up/assessment ay kilala ko naman ang anak ko. Most likely ay positive based sa mga nakalagay sa internet. Aware ako na may special needs si Kenkoy. Ramdam na ramdam ko yun nung dumating si Kenkoy II. Nung only child si Kenkoy ay ok pa dahil marami pa akong oras pero ngayong dalawa na sila ay hati na ang oras ko.
Bago pa man sabihin ng cardiologist na possible ang Noonan syndrome ay nagri-research na ako sa internet. Alam ko ngang may kakaiba sa anak ko. Madalas ako nakakarinig sa ibang tao na nai-spoil daw kasi si Kenkoy. Sa isip-isip ko anong pagii-spoil ba ang pinagsasabi ng mga ito. Nakakainis lang makarinig ng mga ganung comment.
Tapos eto na nga lumabas ang possible Noonan syndrome. Ngayon ko lang nalaman ang genetic disorder na ito. At ngayon naiintindihan ko na rin kung bakit ganito ang anak ko.
Matagal kumain si Kenkoy. Nahihirapan syang lumunok. Kadalasan umaabot ng 2 hours bago nya maubos ang pagkain nya. Pinagtityagaan namin yun. Ang mas masakit lang dun pag may ibang taong pinagtatawanan sya. O kaya tinatanong bakit ganun sya. Wala akong maisagot. Ngayon alam ko na ang sagot.
Mahirap din pasunurin si Kenkoy. Makakailang sabi bago sumunod kaya nakakaubos ng pasensya. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit.
Ganunpaman, malambing si Kenkoy. At average naman sya sa school. Kung mas matuturuan at mas matututukan ay pwedeng-pwede pa syang mag-above average. Nae-enjoy nya ang pag-aaral at wala namang negative feedback mula sa teachers nya.
Hayyyy. Ayun, si Kenkoy pala ang special child. Naalala ko lang na nung buntis ako kay Kenkoy II, halos gabi gabi pinagdarasal ni Kenkoy ang kapatid nya na sana healthy si Kenkoy II. Nakakaiyak lang ding isipin na sa pagdarasal nya para sa kapatid nya ay sya pala ang may special needs. Nai-prepare na ako ni Lord nung pinagbubuntis ko si Kenkoy II. At saka naisip ko rin parang lahat naman ng tao may kanya-kanyang disorder gaya ko na OCD naman. Tinatanggap ko si Kenkoy sa kung ano sya... patuloy ko siyang iintindihin at mamahalin. Ok na ring malaman ang condition ni Kenkoy para mas maintindihan namin sya... para malaman namin kung ano ang mas tamang pag-aalaga sa kanya. Dalangin ko lang ay sana maging normal pa rin ang buhay para kay Kenkoy. Sana maging masaya sya at maging meaningful ang buhay nya.
Tanong ko lang sa mga magulang na may special child din. Wala pa kasi akong sinasalihang support group. Mga tanong ko...
Dapat bang malaman ng bata ang condition nya?
Dapat pa bang ipaalam sa iba ang condition nya lalu na sa mga nangungutya at pinagtatawanan sya? (Baka sakaling mas lumawak ang pangunawa nila. Pero ayoko namang kaawaan si Kenkoy. Gusto ko lang na mas maintindihan sya ng iba.)
Salamat po sa mga magiging sagot. Ayan na lang po muna at di ko maalala ang iba ko pang mga tanong. Ang dami kong tanong kaso biglang nawala ngayon. Umiral na naman ang pagkamalimutin ko *wink*
3 comments:
i think you should tell him only what he needs to know and as the need arises. kung hindi naman nya pansin na iba sya sa mga peers nya, i think that's fine. pag nagtanong, answer him truthfully and as straightforward as possible. tell him the facts, but try not to make it appear na pitiful yung situation nya, that he's "too different". each child is unique, each child is special. nagkataon lang, may additional needs sya.
but very important siguro is that the school is informed and equipped to deal with kids like him.
be strong, i know it's not easy being a parent to a special child. you must be very special yourselves; He knew Kenkoy would be in good hands with you as parents.
Hello Litcoo! For whatever worth it is, I applaud you for relating this in a rather lighter note. I just hope and pray that you will be directed all the assistance you need for Kenkoy I as he grows. Hugs!
hi litcoo, alam kong kaya mo yan, this too will also pass, sa dami ng pinagdaanan mo last year, sisiw na lang ito ngayon. i'm hoping the best for kenkoy1.
Post a Comment