Dami na nagbago dito sa S'pore. Kung dati-rati ay masasabi kong safe na safe dito ngayon ay hindi na. Tumataas na talaga ang crime rate :(
Kanina lang ay nawala ang pram ni Kenkoy II (na minana nya pa sa Kuya nya). May choir practice sina Labs sa 2/F. Iniwan ko na lang ang pram sa 1/F dahil walang lift. 10:30 am kami umakyat. Aba pagbaba namin ng 12 nn ay wala na ang pram. Pambihira! Sino ba naman mag-aakalang may magkaka-interes dun? Bukod sa 7 yrs old na yung pram... luma na... eh nasa compound pa kami ng simbahan. Tsk tsk! Recession daw kasi kaya tumataas din ang crime rate dito. Dala daw ng pangangailangan.
Nanghihinayang lang ako sa pram na yun. Tagal tagal naming tinago tapos 3 months lang nagamit ni Kenkoy II. At ang pinaka-matindi eh gift yun ng in-laws ko kay Kenkoy. Hayyyy! Pero ganun talaga. Napabili tuloy kami ng bagong pram ng di oras.
No comments:
Post a Comment