Napaaga ang punta namin sa Universal Studios. Sa May pa dapat... sa 8th birthday ni Kenkoy. Hindi naman kami atat (hehe) nagkataon lang may blessing na dumating. May biglaang promo sa company nina Labs. $20 per person lang. Sa $20 na yun may $10 food voucher pa. Kaya yung $20 ay entrance fee plus food na. Sobrang ok di ba?
Kaya lang ay limited sa 2 tickets per employee. Kailangan namin ng 3 tickets para buong pamilya makakapunta. Si Kenkoy II walang problema kasi free pa naman ang babies/toddlers. Pero ewan ko di ako kinabahan. Ramdam kong makakapunta kami buong pamilya. At eto na nung kinaumagahan. Kwento ni Labs pagkaupong-pagkaupo nya raw sa office ay may natanggap syang email na binebenta yung ticket. Di na nag-reply sa email si Labs. Tinawagan nya raw agad. At, yes, sya ang una! Yayyyy, makakapunta kaming lahat :)
5.30pm sinundo ko na si Kenkoy sa school. Pagka-uwi nag-shower sya. Dumating na rin si Labs galing office. 6.30pm nagta-travel na kami. 7pm ang start pero malapit lang naman kami sa Universal Studios kaya maaga pa kaming nakarating.
Surprise namin ito kay Kenkoy. All the while ang alam ni Kenkoy ay sa Ikea ang punta namin. Sumakay kami ng taxi so hindi Ikea. Tinanong ko sya kung saan ang hula nya. 1st guess, St. Theresa daw (Parish namin... on the way kasi yun, hehe). Lumagpas kami so mali. 2nd guess, Vivo City. Nilagpasan ulit namin so mali ulit. Eto na. Kita na nya ang Sentosa. Kitang-kita sa mukha nya ang excitement. Alam na nyang sa Universal Studios ang punta. Thank you ng thank you. Excited na daw sya :)
7pm-11pm ng 30-31 March hanggang 01 April ay exclusive ang park para sa employees ng company nina Labs. 7pm open na ang entrance gates. Mahaba ang pila pero mabilis naman ang pag move so ok lang. Di ko masyadong napag-aralan ang map kaya ayun walang plano, haha! Bahala na si batman.
Punta muna kami sa Waterworld. May show daw. At dahil di ko napanood yung movie... at wala akong idea na may ganung movie pala (haha)... at dahil di ko nga natingnan ang map... eh akala ko mga tipong dolphin show itong papanoorin namin, hahaha! Nag-start na. Ang haba ng pasakalye ng mga pirates. Mga 10 mins din ata bago yung actual show. Maganda naman ang effects at stunts. Kaso violent. Hindi pang bata. Masyadong maraming blastings, fireworks, barilan, suntukan at saksakan. Si Kenkoy II ay napapayakap sa akin ng mahigpit. Paiyak na pero buti hindi natuloy ang pag-iyak. Sa mga mahilig sa action movies matutuwa siguro sila dito sa Waterworld.
Dalawa lang ang napuntahan namin. Ang isa pa ay ang Shrek 4-D Adventure. Ito ang na-enjoy ko. Mahaba ang pila pero mabilis naman ang daloy. Pero marami ring pasakalye bago makapasok sa theatre. Di ko na ikukwento at magiging spoiler para sa mga pupunta pa lang. Pero sobrang naaliw ako dito. Talagang "see, hear and FEEL the action right from your seat". Yun nga lang hindi ako nakapag-contacts kaya ang hirap isuot ng 3D eyeglass dahil may suot akong isa pang salamin. Proud ako sa 2 boys namin. Walang umiyak. Kala ko susuko si Kenkoy II. Yung batch na nauna kasi sa amin ay tatlong bata ang lumabas na umiiyak. Di na tinapos yung show. Buti si Kenkoy II ay nadaan sa yakap at haplos, hehe! Si Kenkoy naman ay buti older kid na kaya di na masyadong matatakutin. Sabi ni Kenkoy ay Shrek III daw yung pinanood namin. Kala ko binobola ako. Hanggang Shrek II lang kasi napanood ko. Pero kinonfirm ni Labs na Shrek III nga daw. Mga movie buff talaga ang mag-ama.
Pagkatapos ay pasyal pasyal kami. Hanap ng makakainan. Nakarating kami sa Lost World. Ang ganda ng Discovery Food Court. Parang museum... yung gaya sa A Night at the Museum na movie... may malaking skeleton ng dinosaur sa centre ng food court. Nakakamangha. Kaso di ko na napicture-an kasi nagmamadali si Labs makahanap ng makakainan. Lakad ulit kami. Di kami dun kumain kasi local dishes pala ang sine-serve. Eh di parang sosyal na hawker centre lang, hehe!
Pansin ko lang sagana sa roller coaster rides ang park na ito. Mahilig ako sa roller coaster kaso ang mga kasama ko ay hindi. Si Labs ayaw sa roller coaster. Si Kenkoy bukod sa takot ay may sakit sa puso. Pero di na rin ako sumakay kasi nakalimutan ko ngang mag-contacts. Wala rin akong makikita pag wala akong salamin. Di bale na lang. Hindi kumpleto ang experience kung wala akong makikita. Pipikit naman daw ako sabi ni Labs. Excuse me di ako pumipikit sa roller coaster rides... mas madalas mulat ako dahil gusto ko makita ang lahat.
10pm nakahanap din kami sa wakas ng makakainan. Sa Mel's Drive-In. Ang sarap ng burger. $20+ yung binayaran ni Labs. Parang kumain lang din kami sa Carl's Jr. Ka-presyo lang. Reasonable yung price. May free Woody Woodpecker lunchbox pa pag bumili ng kiddie meal. Tuwa tuloy si Kenkoy. Dami ring vintage cars na pa-epek sa restaurant na ito. Si Labs naman ang naaliw, haha!
Ayun, pagtapos namin kumain ay lakad lakad ulit sa mga di pa namin napuntahan at saka photo ops. Iilan lang ang pics namin kasi mas mahirap na mag-kodakan sa gabi. Iba na kasi ang ilaw. Pero ok na rin yung mga shots ko. Pwede na pang-scrapbook. Sadly, wala akong matinong pics. Dalawa o tatlo lang ata :( Hirap ng walang nagkaka-interes na picture-an ako. Wala tuloy ako laging picture :(
Maganda lahat mula sa Madagascar, Far Far Away, The Lost World, Ancient Egypt, Sci-Fi City, Hollywood at New York. Pang photo-ops talaga. Ang price ng food ay reasonable pati na rin sa mga souvenir items.
At kung ico-compare, magkaiba ang Universal Studios at ang Disneyland. May distinct appeal ang bawat isa. Hindi ko alam sa HK Disneyland kasi hindi pa ako nakakapunta dun pero ang Tokyo Disneyland napuntahan ko 14 yrs ago. Fresh na fresh pa rin sa akin ang memories. Iba ang Tokyo Disneyland. Magical talaga. Parang nasa ibang mundo ka talaga at naging bata ulit :) Siguro kasi malaki talaga yung theme park. Although Universal Studios Singapore is not bad at all. Ok din naman. May sarili syang appeal. At shempre as long as kasama mo naman ang loved ones mo any place is the best place to be :)
Sa kabuuan ay masaya. High pa ako hanggang ngayon. Tuwang-tuwa ako sa blessing ni Lord. Wala pang Good Friday ay may Easter gift na kami mula sa Kanya, haha! Pati good weather na prayer request ko last week pa ay binigay naman Nya. Salamat talaga sa Diyos :)
Pahabol:
May meet & greet din pala. Kaso lang di namin nasundan yung sked kaya likod na lang ni Shrek ang inabutan namin, haha! Yung next na meet & greet session eh ayaw naman na ni Kenkoy. Matatakutin kasi yun sa mga ganung hitsura (hehe) pero sa movies gusto nya ang Shrek... napanood nya lahat.
No comments:
Post a Comment