Kailangan ko na gumising kanina kasi gising na si Kenkoy II. May hinahanap ako. Biglang kinuha ni Kenkoy II ang handphone ko at inabot sa akin. Napangiti ako. Kilala ako ng anak ko. Alam nya kung ano ang hinahanap ko.
Naisip ko lang din bigla yung isang thread sa isang forum. Yung life before social media thread. Ito ang share ko sa thread,
noon: pag mulat ng mata, magdadasal at magpapasalamat sa Diyos sa panibagong araw
ngayon: kukunin ang handphone to check my Facebook account at yung forum na madalas kong bisitahin
Oh well! Ka-guilty naman. Sorry po Lord. Magbabago na po.
No comments:
Post a Comment