Wednesday, November 10, 2010

Award

Sabi ni Labs may papabasa daw syang email sa akin.

Lit Coo: Ano yan? Tungkol saan?
Labs: Basta basahin mo.

Eh kaso nagloloko ang connection. Hindi nag-upload ang email. Sinabi na rin nya.

Labs: Award.
Lit Coo: Award? Award as in sermon? Sa gay lingo award=sermon.
Labs: Hindi sermon. Award nga.

Finally nag-appear na yung email. Award nga. Quality excellence ata ang tawag. Parang ganun, haha!

Lit Coo: Congratulations! Anong prize? Baka certificate o plaque ha.
Labs: Baka nga ganun.
Lit Coo: Sabihin mo marami ka na nun. I-cash na lang nila. 1 month bonus, haha!

Tapos kinwento ko kay Kenkoy na may award ang Papa nya. Tuwang-tuwa at proud sa Papa nya. Sabay tanong kung may bonus daw ba Papa nya, haha... manang-mana sa nanay. Sabi ko same kami ng tanong, haha!

Pagkatapos ni Kenkoy ay si Labs naman... Congratulations Labs!

1 comment:

Enid said...

parang ikaw nga mare haha natawa ako rito. naalala ko tuloy si sister j kilalamo rin yun. nung minsan daw na hindi sila nagkasundo ng asawa niya nung maliit pa ang panganay nila, ibinato daw niya yung atm ng asawa niya. umiyak daw ang anak niya at sabay kuha ng atm. tinanong nilang mag asawa bakit siya umiiyak. ang sagot daw ng anak nila kasi daw sayang baka masira ang atm wala na silang magagamit pangkuha ng pera. yung anak nila ay mga 4-5 years old lang nun. hahaha hindi ko alam kung may koneksyon sa blog mo pero naalala ko lang yung anak ni sister j. hehe