Thank you, Singapore! And Happy 50th Birthday!
Kaaliw ang regalo ng Singapore's Ministry of Education sa kabataan. Ang bongga!
Sana ma-enjoy and at the same time maalagaan ni Kenkoy ang Lego special edition na ito. Sana sa 100th birthday ng Singapore, maganda pa rin ang condition nitong Lego set. Ano naman kaya ang matatanggap ng anak/apo nina Kenkoy at Kenkoy II sa 75th & 100th birthday ng Singapore?
mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Showing posts with label Pictures. Show all posts
Showing posts with label Pictures. Show all posts
Friday, August 07, 2015
Thursday, August 06, 2015
Jubilee Weekend
source: Twitter
40 mins na lang, free mobile data na until Monday. Free rin ang bus & train rides sa Aug 9. Daming free na tourist attractions. Woot! Ang saya. Ang daming freebies. Karamihan pa naka-sale ng $50. Sana may pambili. Haha!
Ready na kami.
SG50 shirts - check
SG tattoo - check
Jubilee weekend sked - check (good weather po sana, Lord! salamat po.)
Happy, happy birthday Singapore! Excited na kami maki-celebrate. :)
Saturday, July 18, 2015
My Dream Watch
Ang matagal nang pinapangarap *drooling*
Simula ngayon pag-iipunan ko ng $100/month sa loob ng tatlong taon. Yes, may $100 na... $3.5K na lang. Hahaha!!!
Simula ngayon pag-iipunan ko ng $100/month sa loob ng tatlong taon. Yes, may $100 na... $3.5K na lang. Hahaha!!!
Labels:
Delayed Gratification,
Pictures,
Plans and Dreams
Sunday, June 21, 2015
Father's Day 2015
Happy Father's Day, Labs! Alam ko matutuwa ka sa mga ito :)
Ang wireless earphones na gustong-gusto niya. Ang wireless earphones na mas mahal pa sa AppleTV, hahaha! *susme*
Dati nung fulltime homemaker pa ako dami kong gustong iregalo kay Labs pero wala akong pambili. :P Ngayong may trabaho na ako ang dali na pumili ng regalo. :)
Yun lang wala naman akong extra time ngayon. Kaya ang annual Father's Day album na tradition ay di ko nagawa. Hayyyy! Sana magawa ko rin balang-araw.

Monday, June 08, 2015
2nd Pandora Bracelet
Balik tanaw: Memorial Tournament Day 4
Walang biro, ang sakit sa dibdib ng 85 ni Tiger. Kailangan ko ng retail therapy. Eto ang result... my 2nd Pandora bracelet... my happy pill :)
Walang biro, ang sakit sa dibdib ng 85 ni Tiger. Kailangan ko ng retail therapy. Eto ang result... my 2nd Pandora bracelet... my happy pill :)
Sunday, May 10, 2015
Jolas, Jerry & Alvin Fan Forever
Awwww! My fangirl heart.
Ang gagwapo pa rin nila. Forever kong iche-cherish ang fangirling days ko. Nakakatuwa ang isang recent interview nila. Natatandaan pa ni Jerry ang practices sa Ateneo. Dami raw fans. Jerry, isa ako dun sa mga nagpupunta sa Ateneo, haha! Masaya ako na naaalala mo pa yun gaya ng tandang-tanda pa rin namin ang mga araw na yun. At si Jolas ha... ang galing sumagot sa mga tanong. Si Alvin naman ay may photo sa phone niya. Same sa photo ko na may autograph nilang tatlo. Pero may humiram at di na binalik sa akin. Nawala daw. Naiiyak ako pag naalala ko. 25-yr old na sana ang autograph na yun.
Labels:
Alvin Patrimonio,
Fan Mode,
Jerry CodiƱera,
Jolas,
Pictures
Friday, May 08, 2015
On Being Tired & Slow
Ginagawa ni Kenkoy II ang music theory homework niya. Mainit na ulo ko dahil every week na lang kailangang ulit-ulitin. Di matandaan ang pinag-aaralan. In fairness eh mahirap nga para sa 6 yr old. Ako nga ngayon ko lang siya natutunan.
Lit Coo: Will you please hurry? I am not feeling well. I want to sleep. I'm tired.
Kenkoy II: I am tired too.
Lit Coo: Then hurry so we can all sleep.
Kenkoy II: Do you know that you are slow when you are tired?
Mahirap manalo sa batang ito. Papasa sa debating team. LOL
EDIT: 09 May 2015
Ito ang homework...

Tuesday, May 05, 2015
Eight Course Afternoon Tea at Ritz-Carlton Singapore
Oras naman namin ni Labs para gumawa ng masasayang alaala. Walang magandang movie kasi school exam week. Pansin ko lang ganun lagi pag exam week dito sa Singapore. Pag trip mo manood ay wala talagang mapiling magandang pelikula. Sabi ko kay Labs treat na lang niya ako tutal Mother's Day naman na sa Linggo. Mag try naman kami ng kakaiba. Mag-afternoon tea kako kami. Mabuti na lang nakapagpa-reserve pa kami kahit biglaan.
Ito yung eight course afternoon tea sa Ritz-Carlton Hotel. Kung paano ang bilang di ko matandaan, hehe! Yung beef lang ang medyo ok tapos sugar overload na. :P
Refillable ang drinks.
Ok din naman ma-experience ang buhay ng mayayaman paminsan-minsan, haha! Pero dahil naranasan na namin ay ok na 'yun. Di na siguro namin uulitin. Ang mahal eh. $100 para sa merienda lang. *kurips mode, haha!* Uulitin na lang siguro namin pag malalaki na mga kids para ma-experience din nila.
Monday, May 04, 2015
Tiger-Lindsey Breakup
Yung paggising mo ang unang post na mababasa mo ay post ni Lindsey na break na sila ni Tiger. Nalungkot ako. Nalungkot talaga ako. :( Mas affected pa ako sa balitang ito kesa sa divorce ni Tiger. Gusto ko sila para sa isa't-isa. Parang sana maging happy na ulit si Tiger.
May tournament pa naman si Tiger this weekend. Hayyyy! Anyway, God bless you, Tiger! Dalangin ko makabalik ka sa pagiging #1 at makasali sa Rio 2016. Nandito lang kaming mga fans mo.
Sunday, May 03, 2015
MayPac
Hindi ako gaanong excited sa laban. Hindi kasi ako fan ng boxing. First time kong nakanood ng live telecast ng laban ni Manny Pacquiao. Salamat naimbitahan kami ng isang mabuting kaibigan na may PPV.
At pwera biro, mas excited ako sa kita-kits at sa Boodle Fight.
At gaya nang inasahan ko, mas masaya pa nga ang Boodle Fight at ang chikahan sa mga kaibigan kesa sa takbuhan at yakapan na nangyari sa ring. Ang ikinatuwa ko talaga sa laban na ito ay ang paghahanda ng mga Filipino na para bang Noche Buena o may Fiesta. Aliw!
Saturday, May 02, 2015
Free Pap Smear
Pagkalipas ng isang dekada ng pagiging Singapore Permanent Resident ay ngayon ko lang nalaman na may free Pap Smear pala. Kamusta naman ako sa pagkahuli sa balita?
Friday, May 01, 2015
Istana Open House
Anak, saan ba tayo dadalhin ng ating mga paa?
Ah, sa Istana. Kung sa Pilipinas ay Malacanang, sa Singapore naman ay Istana. Dito ang office ng Prime Minister at dito rin naninirahan at nagtatrabaho ang Presidente ng Singapore. Open siya sa public ngayong Labor Day.
Pagtapos naming pumila ng halos isang oras at kalahati ay nakapasok din kami. Kakabilib ang security. Parang nasa airport. Dadaan sa x-ray machine. *wink*
Ayan, nakapasok na kami. Ito ang Kallang Wave ng Ministry of Design. Gawa siya sa seating planks ng dating National Stadium.
Ito naman ang The Coil ng LOOK Architects (sana tama ang pagkakatanda ko). Gawa rin siya sa wooden planks ng benches sa dating National Stadium.
Ang ganda ng hardin sa loob ng Istana grounds. Ilang hectares na ganito ang tanawin. Lakas maka-good vibes.
At eto ang paborito ko. Ang isa sa highlights ng araw namin. Ang libreng concert ng Singapore Symphony Orchestra. Nabuhay ang pangarap kong isa o pareho sa mga anak ko ay maging member ng orchestra. Actually, member na ng Chinese orchestra si Kenkoy ngayon. Pero gusto ko rin yung orchestra na piano ang instrument niya o kung anuman ang magiging 2nd instrument niya.
Playground. Kaya lang di namin kasama si Kenkoy II kaya tinanaw lang namin.
At biglang dumaan ang President ng Singapore. At dahil di naka-ready ang handphone ko ay likod na lang ang nakunan ko, hahaha!
Pumasok din kami sa loob ng Istana building. $2 ang entry fee. Kaya lang bawal ang pagkuha ng larawan.
Ito ang malayong lakarin papalabas ng Istana. Pero di pa kami umuwi agad. Nag-dinner kami sa Plaza Singapura. At nakita pa namin dun ang isa sa member ng Singapore Symphony Orchestra. Sabi namin na-enjoy namin ang performance nila. Ngumiti at nagpasalamat. Pagtapos namin mag-dinner ay pumunta kami sa Marina Bay Sands. Ang paborito namin ni Kenkoy na mall.
Sana na-enjoy niyo ang kwento at mga larawan. Sana parang nadalaw niyo na rin ang Istana. *wink*
Thursday, April 30, 2015
Work Affirmation #4
Message ng boss ko. I'll forever be grateful to her sa opportunity at tiwala na binigay niya sa akin. Kakatuwa na nagugustuhan niya kung paano ako mag-trabaho.
Ang saya talaga ng trabaho ko. Kanina panay kandong, yakap at halik sa akin ng mga students. Ang lalambing. 12 students sa class namin. Para akong may dagdag na isang dosenang anak. Yun lang pag end of school year may kasamang kalungkutan dahil mawawalay na sa kanila. Tapos next batch of students na naman. Mamahalin, aalagaan at tuturuan mo ulit na parang mga anak tapos mawawalay muli. Hayyyy, ganun talaga. Pero laking pasasalamat ko sa Diyos, nakakapagod man ay ito talaga ang masayang trabaho. Parang Mommy pa rin sa work at Mommy talaga pag-uwi sa bahay. 2 awesome & rewarding careers. Thank You po, Lord! *mwah*
#happiness #NakakawalaNgPagod

Sunday, April 26, 2015
Saturday, April 25, 2015
ABRSM Grade 4 Piano Practical Exam Result
Dumating na ABRSM certificate ni Kenkoy. Distinction *woot* To God be the glory! Thank You po, Lord, sa talent at pagtulong kay Kenkoy. Parang kailan lang nagsimulang mag-piano si Kenkoy. Ngayon grade 5 na siya. Kakatuwa. :)
Atenista
Share Ko Lang...
Kasi sobrang tuwa ako sa results na ito dahil ipinagdasal ko talaga ito kay Lord. Matagal na itong results... isang October 2014 at isang January 2015.
Parehong nakapasa sina Kenkoy at Kenkoy II sa Ateneo de Manila. Grade 1 sana sa pasukan si Kenkoy II at Grade 7 naman si Kenkoy. Uuwi na sana kasi kami sa Pilipinas. Naka-plano na lahat kaya lang sa pagdi-discern namin ay mas maiging dito na muna kami manirahan.
Kakatuwa lang. Mga Atenista na sana ang dalawang Kenkoy. :)

Answered Prayer,
Kenkoy at Kenkoy II,
Pictures,
School,
SKL
Friday, April 24, 2015
Saturday, April 04, 2015
Swimming Lesson
First swimming lesson ni Kenkoy II kanina. Sobrang excited ang bata. Looking forward talaga siya sa araw na ito. Nakakatuwa.
Sumama rin si Kenkoy. At ang galing nandun din ang mga dati niyang kaklase sa Primary School. Nakakatuwa ang tatlong ito. Magkaka-klase sila mula preschool days hanggang Primary School. Nagkaiba-iba na lang sa Secondary School. Pero at least magkikita-kita na ulit sila tuwing Sabado. Sana magtagal pa ang pagkakaibigan nila. (At parang uniform pa ang swimming attire nila, hahaha!)

Friendship,
Kenkoy,
Kenkoy II,
Pictures,
Swimming
Friday, April 03, 2015
Date with Kenkoy II
Anak, saan ba tayo dadalhin ng ating mga paa? Hahaha!
Ah, sa National Museum of Singapore.
at sa Sentosa.
Ah, sa National Museum of Singapore.
at sa Sentosa.
Mamaya na lang po ang kwento. Gugunitain na po muna ni Lit Coo ang Biyernes Santo.
Labels:
Childhood,
Creating Memories,
Family Bonding,
Kenkoy II,
Parenting,
Pictures
Subscribe to:
Posts (Atom)