Kaninang umaga ay ine-spray-an ni Kenkoy II ng cologne ang picture frame namin. Ayun, nabasa ang pictures. Pinatuyo ko muna.
Ngayong hapon pagdating ni Kenkoy ay nakita nya ang mga pinatutuyong pictures. Kinwento ko ang nangyari. Eto ang comment ng Kuya...
Kenkoy: Kenkoy II is becoming a bit crazy in making sure things are clean. I'm observing him since last week.
Bwahaha! Natawa ko. Parang ako ata ang dine-describe ni Kenkoy. Pero tama nga sya, nahahawa na ata si Kenkoy II sa pagka-OC ko. Laging humihingi sa akin ng wipes (itinaas ko na kasi lagi syang kumukuha) at lilinisin ang mga toys nya. Minsan pati tv nililinis. Mana-mana lang. Gaya-gaya lang sa matatanda :P
No comments:
Post a Comment