Showing posts with label Labs at Kenkoy II. Show all posts
Showing posts with label Labs at Kenkoy II. Show all posts

Saturday, January 22, 2011

Bagong Gupit

Nagupitan na rin si Kenkoy II. Yayyyy! Mga 4 months ago na yung last haircut nya. Ayaw kasing magpagupit... umiiyak. Kanina pinalaro ko sa Tom the Cat sa iPhone ni Labs para magupitan. Ayun, natapos ang pag gupit ni Labs ng walang problema. Naligo nga lang ako sa buhok (hahaha) dahil ako ang may hawak kay Kenkoy II.

Friday, January 21, 2011

Birthday Celebration

Birthday celebration ni Labs, Kenkoy II at ng lahat ng choirmates ni Labs na may kaarawan ngayong Enero. At ang choir ay nagiging live band pag ganitong party time! Katuwa talaga pag mga musikero ang mga kaibigan. Jamming kung jamming! Ginanap sa chalet sa may East Coast Park kaya pwedeng medyo malakas ang kantahan.

Monday, August 23, 2010

Kenkoy II on Keyboards

Kumuha pa talaga si Kenkoy II ng music sheets. Feeling marunong magbasa ng music notes, haha! Ginagaya ang Papa nya :)

Saturday, January 31, 2009

Kenkoy II's Baptism

Christian na si Kenkoy II :)

21 days old si Kenkoy II ng mabinyagan kanina (younger si Kenkoy noong nabinyagan... 19 days old naman si Kenkoy sa binyag nya). Wala ring kasabay sa binyag si Kenkoy II gaya ng Kuya nya. Happy ako dahil ang ganda ng ceremony. Sayang lang hindi kami nakapag-hire ng professional photographer. Kaunti lang tuloy ang pictures na scrapbook material :( Sayang... kung pwede sanang ako na lang ang kumuha ng pics kaso hindi pwede dahil kailangan ako sa ceremony.

Simpleng selebrasyon ang naganap. Dalawang Ninong ang nakadalo, ang pamilya nila, pamilya namin at isang family friend.

6 ang godparents ni Kenkoy II. Ninang ang tatlong younger sisters ko (na nasa Pinas lahat). Ninong naman ang isang College org mate namin ni Labs, ang isa sa mga ka-tropa namin noong College (na US based) at isang ka-choir ni Labs. Kaya bale dalawang Ninong lang ang present sa binyag.

Birthday din pala ni Labs ngayon kaya double celebration.

Ilang pictures uploaded po sa Friendster account ni Lit Coo.