Nandito sister ko for 1 week. Grabe 3 days ko ng sinasamahan sa malls. Nakakapagod. Di pa naman ako sanay mag-shopping. At isa pa, ang hirap ng may kargang kabigat-bigat na baby, hehe!
Kakapagod lang talaga dahil pag-uwi sa bahay ay tambak ang trabaho. Ayun, tambak ang labada. Tambak ang plantsahin. Ang dumi ng bahay. And the list goes on and on, hahaha!
Pero shempre ok din naman at kahit papaano nakapag-bonding kaming magkapatid. Bihira lang naman ito since nandito na nga ako nakatira sa S'pore at nasa Phils sila.
At birthday ni Mommy ngayon kaya bumili kami ng gift para kay Mommy. Birthday gift at Mother's Day gift, isa na lang... magkasama na dalawang okasyon, hehe!
mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Friday, May 22, 2009
Thursday, May 21, 2009
PR
Pumunta kami kanina sa Immigration para sa formalities ng pagka-Permanent Resident (PR) ni Kenkoy II. 3 weeks lang pagka-file ng application ay may result na. Akala ko matatagalan eh.
Salamat sa Diyos at PR na rin si Kenkoy II.

Wednesday, May 13, 2009
Happy 7th Birthday Kenkoy
Pitong taon na ang panganay ko. Sa Sabado ang celebration nya. Play-Doh party sa McDonald's. Simpleng party lang ito... recession eh. Para lang play date with his close friends. Binigyan lang namin ng party dahil 7th birthday. Hindi naman sya taun-taon nagpapa-party.
Kanina pumunta kami mag-iina sa Ikea. Wala si Labs kasi OT. Kain muna kami ng hotdog tapos tuloy na si Kenkoy sa playground. Binalikan ko na lang sya after an hour. Tapos dinner kami sa Ikea restaurant. Habang nagdi-dinner kami ay tumawag ang in-laws ko para i-greet si Kenkoy. Mahal na mahal talaga nila si Kenkoy. Unang apo sa tuhod kasi. Unang apo. Unang pamangkin. Una sa lahat, hehe!
UPDATE (30.05.2009): Uploaded na sa Friendster ni Lit Coo ang pictures ng Play-Doh party ni Kenkoy. Pasilip na lang po duon. Salamat. Maraming maraming salamat pala sa lahat ng nakapunta sa party. Pinasaya nyong lahat si Kenkoy... pinasaya nyo na rin kami ni Labs :) Maraming maraming salamat din sa gifts na hanggang ngayon ay di pa namin nabubuksan sa sobrang ka-busy-han. Mataas ang EQ ni Kenkoy at di pa rin nabubuksan ang mga regalo, hehe!

Monday, May 11, 2009
Semestral Assessment / Party Preps
Torete ako (na lagi naman, hahaha). Exam week nina Kenkoy. Ang dami-daming pag-aaralan dahil lahat ng tinuro sa kanila mula January hanggang ngayon ang coverage ng exams.
Di ko pa rin napapadala ang invitations para sa party ni Kenkoy. Sana bukas mai-post ko na. Tapos ang cake, io-order pa lang. Giveways, meron naman na.
Ayun, cramming lagi, hahaha! Di ko na-foresee na sabay ang birthday ni Kenkoy sa exam week nya. Akala ko mga 3rd o sa 4th week of May pa ang exams nila. Sabay-sabay tuloy lahat.

Sunday, May 10, 2009
Kenkoy II's 4th Month
8.3 kg na si Kenkoy II. Para na syang 4 month old baby trapped in a 1 year old body. Ang laki at ang bigat na talaga nya. This month natuto syang mag-roll over from back to tummy and from tummy to his back. Na-discover na rin nya ang art of thumbsucking *hayyyy* Ang hirap na tuloy padedehin dahil mas prefer na nya ang thumb (fingers?? minsan ang dami daming fingers ang sinusubo eh) nya. Straight na rin sya matulog sa gabi. Kaya na nya 8 hrs straight.Monday, April 27, 2009
Sunday, April 26, 2009
8 years after
Dami na nagbago dito sa S'pore. Kung dati-rati ay masasabi kong safe na safe dito ngayon ay hindi na. Tumataas na talaga ang crime rate :(
Kanina lang ay nawala ang pram ni Kenkoy II (na minana nya pa sa Kuya nya). May choir practice sina Labs sa 2/F. Iniwan ko na lang ang pram sa 1/F dahil walang lift. 10:30 am kami umakyat. Aba pagbaba namin ng 12 nn ay wala na ang pram. Pambihira! Sino ba naman mag-aakalang may magkaka-interes dun? Bukod sa 7 yrs old na yung pram... luma na... eh nasa compound pa kami ng simbahan. Tsk tsk! Recession daw kasi kaya tumataas din ang crime rate dito. Dala daw ng pangangailangan.
Nanghihinayang lang ako sa pram na yun. Tagal tagal naming tinago tapos 3 months lang nagamit ni Kenkoy II. At ang pinaka-matindi eh gift yun ng in-laws ko kay Kenkoy. Hayyyy! Pero ganun talaga. Napabili tuloy kami ng bagong pram ng di oras.

Thursday, April 23, 2009
Bagyo
Kagabi... tinawag ako ni Kenkoy para ipasara ang mga bintana dahil ang lakas ng hangin. Ilang saglit lang ay bumuhos na rin ang ulan. Ulan at malakas na hangin. Bagyo 'to sa isip ko.
Si Kenkoy ay napaiyak. Natakot. Ayaw daw nya ng bagyo. Actually, ayoko rin ng bagyo. Natatakot din ako sa bagyo. Minsan na akong lumutang sa Pinas dahil sa lakas ng hangin nung kasagsagan ng bagyo.
Pero teka... nasa S'pore kami ah... walang bagyo dito. Sa halos 7 years namin ni Kenkoy dito (at 8 years naman si Labs) ngayon pa lang namin na-experience ito. Pero saglit lang din naman. Wala pa atang isang oras ay tumigil na ang ulan at malakas na hangin.
Laking gulat ko ng ibalita dito na nagka-bagyo nga. Sa lagay ay bagyo na nga pala yun, hehe! Sa 9 years, ngayon lang daw ulit dinaanan ng bagyo ang S'pore.

Thursday, April 16, 2009
Confirmed
Galing kami sa check up ni Kenkoy kanina. It's confirmed. Sabi ng geneticist ay may mild Noonan syndrome si Kenkoy. Wala na akong reaction, hehe! Sabi ko nga sa dating blog entry ko, kilala ko ang anak ko kaya alam ko na ang resulta.
Ang magandang balita ay mild case daw yung kay Kenkoy.
Salamat pa rin sa Diyos :)

Wednesday, April 15, 2009
Kenkoy II's 3rd Month
7.3 kg na si Kenkoy II. First time kong marinig na may sound ang tawa nya. Ang kyut! Nakukuha na rin nya ang tono ng pagkakasabi namin sa kanya ng "I love you". Kaya pag sabi namin ng I love you sasagot din sya ng I love you. Hindi pa ganun ka-clear pero ang tono at pagkakasabi same kaya alam naming I love you din ang sinasagot nya. Kakatuwa. I love you malamang ang first sentence nya, hee hee!
Ay, late nga pala ang celebration namin kasi natapat sa Good Friday ang kanyang ika-3rd month.
Friday, March 13, 2009
Bungi ulit
Pangatlong baby tooth ni Kenkoy natanggal na kanina. Nalunok nga lang nya. Nabigyan sya ng chocolate cupcake ng teacher nya bilang prize dahil good boy daw sya. Ayun, akala nya daw ay nuts sa cake na kinakain nya yung nginuya at nilunok nya. Ngipin pala nya yun, hehe!
Wednesday, March 11, 2009
Kenkoy II's 2nd Month
6 kg na si Kenkoy II. Nakakatulog na sya ng straight sa gabi. Kung magising man ay dede lang tapos tulog na ulit. Medyo gamay ko na ang body clock nya. At paborito ko syang pagmasdan pag pinapatulog dahil sa dami ng iba't-ibang facial expressions nya *kaaliw* Gumagawa na rin sya ng iba't-ibang sounds pag kinakausap... makwento sya... di pa nga lang maintindihan ang kwento nya *LOL*
Tuesday, March 10, 2009
Special Child
Check up ni Kenkoy sa cardiologist noong March 04. Pag tingin kay Kenkoy ay sabi baka daw may Noonan syndrome si Kenkoy. Ni-refer nya kami sa isang Geneticist para mas lalung ma-check si Kenkoy. End of March ang appointment namin sa Geneticist. Pero kahit wala pa ang result ng check-up/assessment ay kilala ko naman ang anak ko. Most likely ay positive based sa mga nakalagay sa internet. Aware ako na may special needs si Kenkoy. Ramdam na ramdam ko yun nung dumating si Kenkoy II. Nung only child si Kenkoy ay ok pa dahil marami pa akong oras pero ngayong dalawa na sila ay hati na ang oras ko.
Bago pa man sabihin ng cardiologist na possible ang Noonan syndrome ay nagri-research na ako sa internet. Alam ko ngang may kakaiba sa anak ko. Madalas ako nakakarinig sa ibang tao na nai-spoil daw kasi si Kenkoy. Sa isip-isip ko anong pagii-spoil ba ang pinagsasabi ng mga ito. Nakakainis lang makarinig ng mga ganung comment.
Tapos eto na nga lumabas ang possible Noonan syndrome. Ngayon ko lang nalaman ang genetic disorder na ito. At ngayon naiintindihan ko na rin kung bakit ganito ang anak ko.
Matagal kumain si Kenkoy. Nahihirapan syang lumunok. Kadalasan umaabot ng 2 hours bago nya maubos ang pagkain nya. Pinagtityagaan namin yun. Ang mas masakit lang dun pag may ibang taong pinagtatawanan sya. O kaya tinatanong bakit ganun sya. Wala akong maisagot. Ngayon alam ko na ang sagot.
Mahirap din pasunurin si Kenkoy. Makakailang sabi bago sumunod kaya nakakaubos ng pasensya. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit.
Ganunpaman, malambing si Kenkoy. At average naman sya sa school. Kung mas matuturuan at mas matututukan ay pwedeng-pwede pa syang mag-above average. Nae-enjoy nya ang pag-aaral at wala namang negative feedback mula sa teachers nya.
Hayyyy. Ayun, si Kenkoy pala ang special child. Naalala ko lang na nung buntis ako kay Kenkoy II, halos gabi gabi pinagdarasal ni Kenkoy ang kapatid nya na sana healthy si Kenkoy II. Nakakaiyak lang ding isipin na sa pagdarasal nya para sa kapatid nya ay sya pala ang may special needs. Nai-prepare na ako ni Lord nung pinagbubuntis ko si Kenkoy II. At saka naisip ko rin parang lahat naman ng tao may kanya-kanyang disorder gaya ko na OCD naman. Tinatanggap ko si Kenkoy sa kung ano sya... patuloy ko siyang iintindihin at mamahalin. Ok na ring malaman ang condition ni Kenkoy para mas maintindihan namin sya... para malaman namin kung ano ang mas tamang pag-aalaga sa kanya. Dalangin ko lang ay sana maging normal pa rin ang buhay para kay Kenkoy. Sana maging masaya sya at maging meaningful ang buhay nya.
Tanong ko lang sa mga magulang na may special child din. Wala pa kasi akong sinasalihang support group. Mga tanong ko...
Dapat bang malaman ng bata ang condition nya?
Dapat pa bang ipaalam sa iba ang condition nya lalu na sa mga nangungutya at pinagtatawanan sya? (Baka sakaling mas lumawak ang pangunawa nila. Pero ayoko namang kaawaan si Kenkoy. Gusto ko lang na mas maintindihan sya ng iba.)
Salamat po sa mga magiging sagot. Ayan na lang po muna at di ko maalala ang iba ko pang mga tanong. Ang dami kong tanong kaso biglang nawala ngayon. Umiral na naman ang pagkamalimutin ko *wink*

Monday, March 09, 2009
Angels on Earth
Ako ay naniniwalang may pinapadala ang Diyos na mga tao para tulungan tayo sa mga pagkakataong kailangang kailangan natin ng tulong. Ang tawag ko sa kanila ay mga anghel.
Noong Feb 16 pumunta ako sa Philippine Embassy para i-apply ng passport si Kenkoy II. First time kong mag-bus papunta dun. Ang siste, naligaw ako, hahaha! Tiningnan ko pa naman sa internet ang direction papunta dun. Malapit lang sa flat namin ang embassy. Isang sakay lang at mga 20 mins lang na travel time by bus kasama na pag-antay sa bus at paglalakad. Ang kaso lang isang bus stop pa pala ang layo kesa sa nakalagay sa internet na bababaan ko. Ilang minuto rin akong naglakad lakad. Nagdadasal na rin ako na sana makita ko ang Nassim Road. Kakalakad ko ay may nakasalubong akong isang Filipina. Naliligaw din sya. Sa isip-isip ko hulog sya ng langit. Binati kasi nya agad ako at nag-Tagalog. Kung Filipino daw ba ako. Eh bihirang mangyari yun dahil ang kadalasan ay mas napagkakamalan akong Chinese kesa Filipina. Sabi ko naman ay oo, Pinoy ako. San daw ba yung Michael Street ata yun. Sabi ko sensya na at di ko rin alam eh. Nagtanong naman ako kung saan ang embassy. Naituro nya sa akin. Masayang masaya ako dahil natulungan nya ako. Sayang lang at di ko sya natulungan. Pinag-pray ko na lang na mahanap nya rin yung pupuntahan nya.
Isang anghel pa lang yun. May isa pa.
Mula ng umuwi si Mommy sa Pinas ay kailangan kong isama si Kenkoy II sa pick-up point ng school bus ni Kenkoy tuwing ihahatid at susunduin ko si Kenkoy. May isang Filipina na hinahatid sundo rin nya ang alaga nyang local. Nakakatuwa sya. Ang pangalan nya ay Lorena. Sya na nagdadala ng bag ni Kenkoy hanggang sa makasakay si Kenkoy sa bus nya. Tapos kanina ay malakas ang ulan. Natatakot nga ako at baka magkasakit si Kenkoy II dahil mahangin at malakas talaga ang ulan. Pero wala akong choice. Di ko sya maiwan ng mag-isa dito sa flat. Akalain nyong paglabas namin ng flat ay parating si Lorena. Dadaanan daw nila si Kenkoy para di ko na raw kailangang bumaba. Malakas daw ang ulan kaya naisipan nyang daanan si Kenkoy. Buti daw at pumayag naman ang alaga nya. Salamat talaga sa kanya. Salamat din sa Diyos. Nakakatuwa ang mga tulong Niya sa amin. Nakakatuwa din ang mga Kababayan na handang handang tumulong. Pagpalain nawa sila ni Lord.

Sunday, March 08, 2009
Photo Shoot
Kenkoy II had his 1st photo shoot yesterday. Exactly 8 weeks old na sya kahapon. Gaya ng dati enjoy mag-pictorial. At ang galing lang ng photographer-friend namin na si Rey (aka Masteroppuppets)... dahil sa mga shots nya ay hitsurang behaved na behaved si Kenkoy II... di halatang nagwala si Kenkoy II sa photo shoot, hahaha!
Yayyyy! Salamat naman at may family pics na kami na kasama si Kenkoy II. Salamat din kay Labs dahil this time ay pumayag magpa-pictorial. Na-deprive kasi ako sa maternity pictorial. Di ko napapayag si Labs, hehe!
Bisita na lang po kayo sa Friendster account ni Lit Coo para makita ilang pictures namin na kuha sa shoot kahapon. March 7 Photo Shoot po ang name ng album.
Maraming salamat :)

Subscribe to:
Posts (Atom)