Thursday, January 12, 2012

Plants vs Zombies Screencap 6

Balik tanaw: Plants vs Zombies Screencap 5 blog entry

New personal record...

Tuesday, January 10, 2012

Happy 3rd Birthday, Kenkoy II

Balik tanaw: Happy 3rd Birthday, Kenkoy II blog entry.



Natutulog pa ang may kaarawan. Napagod sa school. Pag gising nya ito ang makakamulatan nya...



Kanina ko lang binili habang nasa school ang dalawang Kenkoy. Tinago ko muna at sinet-up ko habang tulog si Kenkoy II.

930am nasa mall na ako pero 11am pa raw ang opening nung party shop. Nakita ko yung saleslady. Naki-usap na lang ako kung pwedeng makabili. Buti pumayag naman. Cars 2 na lang ang theme kasi yun ang may available na candle. Binagayan ko na lang ng Cars 2 Banner & Cars 2 Balloons.

Nagmamadali akong umuwi kasi 1130am ang dismissal ni Kenkoy II. Nakabili nga agad ako pero na-late pa rin ako kasi ang tagal dumating ng bus. Kinakabahan na ako baka umiiyak na si Kenkoy II kasi wala pa ang sundo nya. Buti hindi naman sya umiyak. Behave lang syang naka-upo at inaantay ako. Sabi ko, "sorry". Spank daw dahil late ako. Bwahaha!

Side Kwento: Naalala ko lang Cars yung isa sa naging birthday themes ni Kenkoy. Cars 2 naman para kay Kenkoy II. Di kaya Cars 3 para sa magiging Kenkoy III (kung susundan pa). Haha!


Happy 3rd Birthday, Kenkoy II

Sa batang gusto sya ang gagawa ng lahat. Sobrang independent. Ayaw magpa-assist. Ang yabang-yabang, hehe...

Maligayang Kaarawan, anak! Mahal na mahal ka namin.
Dalangin kong lagi ka sanang masaya at malusog.
At ngayong pumapasok ka na sa school, enjoy mo lang ang pag-aaral.
Love you ulit, anak :*


Sunday, January 08, 2012

This is it!

January na. Start na ng simple scrapbook services ko. Kinakabahan ako. Mahirap pala gumawa para sa iba pag may bayad. Nakaka-tense. Sana magustuhan ng client ang finished product.

Pero sobrang saya ko at may nagbigay ng chance sa akin. This is it talaga. Sana maging suki ko :)


Friday, January 06, 2012

Plants vs Zombies Screencap 5

Balik tanaw: Plants vs Zombies Screencap 4 blog entry

New personal record...

Nawili

Nawili naman si Kenkoy II. Gabi na eh papasok daw sya sa school. Kinuha at sinuot pa ang school bag nya *LOL*


Kenkoy II's First Day in School

Tagumpay ang unang araw ni Kenkoy II sa school. Walang separation anxiety.

Galing-galing, anak! Pareho kayo ni Kuya mo. Hindi na ako nahirapan iwan sa school.

At nakakatuwa si Kenkoy II nung tinanong ko kung anong ginawa sa school. Ginawa nya yung "My toes, my knees, my shoulders, my head." Ayos! 1st day pa lang may natutunan na. Sana nga masulit ang bayad sa school.


Thursday, January 05, 2012

Psyching Kenkoy II

Kanina sa Principal's office...

Lit Coo: You are going to school tomorrow. It would be fun. You will sing.
Kenkoy II: Sing? Ok.
Lit Coo: You will dance.
Kenkoy II: Dance? Ok.
Lit Coo: Count 1,2,3 and learn alphabets a,b,c.
Kenkoy II: I don't want.

Hayyyy! Kinakabahan ako sa 'yo, anak ah. Hehe!


Pero alam na nya a-z and 1-10. Sana lang wag tamarin sa school.


School Boy Kenkoy II

Kanina bago kami magpa-register sa school...

Kenkoy II: Where are we going?
Lit Coo: School.
Kenkoy II: School again? (Nagpunta na kasi kami dun last Tuesday para magpa-register sana kaso nga full na ang spots.)
Lit Coo: Yes, school again. We are going to school everyday like Coco. (Coco = Kuya)
Kenkoy II: Oh my gosh!

Pambihira! Mukhang mahihirapan pa ata akong papasukin sa school itong bunso ko ah. Di pa nga nagsisimula ang klase eh parang tinatamad na.

At hanep sa expression, anak ah. Hahaha!
Yung isa pa nyang expression ngayon ay "Oh my goodness!"


Back-to-School (Update)

Balik tanaw: Back-to-School blog entry.

Answered prayer. May slot na for Kenkoy II. Yipeee! So happy for my son. Binlog ko lang kasi sobrang saya ko pero alis na rin ako para mag-register sa school. Panigurado. Baka maibigay pa sa iba ang slot, hehe!


Wednesday, January 04, 2012

Ilang Taon Ka Na?

Last year tinuruan ko si Kenkoy II kung ano ang isasagot sa tanong na "How old are you?" "2" kako. Pero sabi ni Labs sabihin ko daw "3" kasi malapit na raw namang mag-three years old. Para daw pag-3 na eh tama ang isasagot. At ngayong ilang araw na lang ay magta-tatlong taon na si kenkoy II kapag tinanong sya kung ilang taon na sya, "4" ang sagot nya. Hwehehe!

Patay kang bata ka! Di ko alam kung kanino nya nalaman ang concept ng +1 kada birthday.

Naku, Labs, kasalanan mo 'to :P Chinese age na tuloy nya ang sinasabi ni Kenkoy II. Hahaha!


Placemats

Wala akong mahanap na magandang plastic placemats sa Ikea. Ito lang ang medyo ok kaya makiki-Year of the Dragon na muna ako, haha!



Ikea Trofast (2nd Update)

Balik tanaw: Ikea Trofast blog entry.

Makalipas ang isang taon at apat na buwan, ito na ang hitsura nya ngayon. Padami nang padami ang mga laruan :P

Monitor Leader

Napili daw syang maging monitor leader for semester 1, balita ni Kenkoy pagka-uwi. Kung ano man yun ay hindi ko alam, hehe! Pero may "leader" sa title kaya ok dahil magkaka-leadership training si Kenkoy.

Congratulations, Kenkoy! Do your best, anak.


Tuesday, January 03, 2012

Back-to-School

Pasukan na ulit. Ibig sabihin maaga na naman kami gigising. At ibig sabihin wala na naman akong pahinga, hayayay! Sleep deprived ulit.

Primary 4 student na si Kenkoy. Nag-start na sya mag-commute mag-isa papasok sa school at pauwi sa bahay. Patnubayan nawa siya ni Lord araw-araw.

Si Kenkoy II naman ay di namin napa-register bago umuwi sa Pilipinas. Puno na tuloy ang slots :( Excited pa naman si Kenkoy II. Nakita nya mga bata sa school. Gusto na rin nya pumasok. Pero sabi ng Principal ay may 2 students pa raw na hindi pumapasok. Antay daw ng 2 days. Pag wala pa rin daw ay tatawagan nya ako sa Thursday. Sana magka-open slot for Kenkoy II.