Monday, February 13, 2012

Real-time Bus Arrival Info Panel

Ito ang makikita sa mga pangunahing bus stops dito sa Singapore. Dito malalaman kung ilang minuto pa ang aantayin bago dumating ang bus na kailangang sakyan. Malaking tulong ito lalu na sa mga nagmamadali. Mapa-plano kung ilang oras pa ang iba-byahe at mapagde-desisyunan kung kinakailangang mag-alternate bus o taxi. #Aprub Sa Naka-isip Nito



Sunday, February 12, 2012

Date with My 1st Baby

May cutover activity daw si Labs. Ibig sabihin work from home sya ngayong Sunday. Sabi nya ako na raw ang maghatid kay Kenkoy sa Sunday school at magsimba na rin daw kami. Naisip kong chance na rin namin ni Kenkoy na mag-bonding ulit. Pumayag naman si Labs.

Sa pag-travel naming dalawa papunta sa Simbahan ay Kodak moments muna. Tapos pinabasa ko kay Kenkoy ang FB status update ko. Sabi ko magde-date kaming dalawa lang. At na-miss ko sya. Na-miss nya rin daw ako. Naiyak ako sa harap ni Kenkoy. Na-miss ko talaga sya. Ilang taon ding kami ang magkasama. Kaso nahati na ang oras ko mula nang manganak ako muli.

10am-11.15 ang Sunday school ni Kenkoy. Habang inaantay ko sya ay eto naman ang aking almusal...



Pagkatapos ng Sunday school ay nagsimba kami from 12.30nn to 1.30pm. After the Mass ay tumuloy kami sa Ion Mall. Sumakay kami ng public bus. Tumuloy kami sa 2nd deck. Tuwang-tuwa kami. Ang tagal na rin pala naming hindi nakakasakay sa itaas mula nang magbuntis ako kay Kenkoy II. Kwentuhan kaming mag-ina habang bumabyahe. Ang saya lang.

Pagdating sa Ion ay nag-lunch kami sa food court. Pinili namin yung favorite naming Indonesian food. Pagkatapos ay namili kami sa Daiso. Bili din ng Happy Lemon bago tumuloy sa Plaza Singapura para bumili ng scrapbook materials. Shempre pa matagal ako sa craft store, hehe!

Nag-sms si Labs. Sa mall na raw kami mag-dinner. Nag-Pasta Mania kami ni Kenkoy. Tapos nung pauwi na ay request nya yung may 2nd deck bus ulit. Sakay ulit kami sa itaas. Tapos napansin ko ang weird ng bus stop tone. Sabi ni Kenkoy yun daw ang lumang tone. Di ko na matandaan. Yun pala yung dati pa. Tapos sabi nya yun daw... meron pa nga raw tv. Ay, oo nga, may mobile tv pa dati sa mga public buses. Grabe, nostalgic talaga.

Sobrang enjoy ang date namin. Sarap ulitin. Na-miss ko talaga ang panganay ko. Araw-araw kaming magkasama pero na-miss ko talaga yung kami lang. Yung moments naming dalawa. Naku, simula palang ito. Siguradong masusundan pa ito. Sarap ulitin.


Saturday, February 11, 2012

Thanks, Ikea Smaland!


First time ni Kenkoy II sa Ikea Smaland. Yun ang free playground sa Ikea. For 1 hour pwedeng maglaro ang mga kids dun. Tapos babalikan na lang ng parents. Nakakatuwa lang talaga dahil may time na naman kami ni Labs. Sinulit namin ang 1 hour. Nag-mini date kami, haha!

Pero shempre kasabay nun ang realization na wala na kaming baby. Mabilis ang paglaki ni Kenkoy II. Bata na talaga sya. Pwede na iwan sa school at sa playground.

At ang isa pa palang nakakatuwa ay nag-kodak-an kami ni Labs. Naisip naming picture-an ang sarili namin tapos nakita ko yung heart. Sakto kako malapit na ang Valentine's Day. Yung heart lang ang background namin. Pero sa kabuuan ito ang message na nakalagay sa Ikea...



Ang isa pang nakakatuwa dun ay hindi naman talaga kami nagce-celebrate ng V-day. Kunwari na lang sweet din kami sa Araw ng mga Puso. Kaya natatawa kaming kinuhanan ang aming sarili. Hehe! Sakto pa ang angle. Parang may ibang kumuha sa amin ;)


Friday, February 10, 2012

New Piano Class Schedule

May kakatawag lang mula sa music school ni Kenkoy. Hindi na raw mamayang gabi ang schedule ni Kenkoy. Bukas na raw ng hapon. Salamat naman din dahil sobrang toxic ni Kenkoy every Friday. 7.15 am ang start ng class nya sa school tapos 5.30 pm pa ang uwian kasi may choir practice pa tapos 7.30 pm ang piano class. Kapagod lang di ba? Buti na lang talaga nabago ang Friday schedule nya. Makakapahinga na sya ng mas maaga. Downside nga lang ay kung gigimik man kami ng Saturday ay mga 3.30 or 4 pm na ang simula dahil sa new schedule. Pero ok na rin. Ang mahalaga, less stress for Kenkoy every Friday.

Thank You po, Lord!


Green Man

Mga 2 days ago ata yun nang itinuro ko ulit kay Kenkoy II na pag red ang stop light ay dapat huminto at pag green ay go signal. Matagal na nyang alam yun pero this week nakakaaliw kasi sinimulan nyang gayahin ang pose ng green man. Tumatawid ng kalsada na ganun ang posing. Tapos biglang nag-blink na. Tumatakbo na raw ang green man. Hwehehe!


Thursday, February 09, 2012

My New Toy's Keyboard Settings

Balik tanaw: Still a Nokia Girl blog entry.




Oh di ba, recognized ang Filipino! Aliw talaga. Nakakatuwa kasi mas madalas ako magsulat sa Filipino kesa sa English kaya very helpful na naka-set both sa English & Filipino :)

Wednesday, February 08, 2012

1st Layout in 2012

Kakatapos ko lang ng isang layout. Naka-isa rin. Sana simula na ito ng sunod-sunod na layouts for this year.

1st Communion ni Kenkoy ang ginawa ko. May project pa ako para sa client pero inuna ko 'to para magamay ko ulit ang pagii-scrap. 2 months din kasi akong hindi nakagawa.


Nahiwa ko pa ang left thumb ko. Ang lalim. Namanhid na sa sakit. Pero medyo ok na ngayon. Tumigil na ang pagdugo.

Ok ok lang yung layout. Pwede na. Di ako masyadong naka-emote kasi gising mga bata. Mas gusto kong gumagawa pag madaling araw. Di bale, sinanay ko lang ulit sarili ko sa pagii-scrap. Sana yung mga susunod na layouts ay mas maganda.


Tuesday, February 07, 2012

Booked

Nakapagpa-book na ng plane tickets for our annual trip to Manila. Yipeeee! Thank you, Labs. And thank You, Lord!

Na-book na rin ang plane tickets for our holiday trip. 10th birthday gift/celebration dapat namin ito for Kenkoy pero naiba ang plans. Christmas gift na lang namin para sa dalawang Kenkoy.

Zoo party na lang for Kenkoy. Yun ang pinili nya over Wild Wild Wet party. Sana magustuhan nya ang celebration nya.

Sana rin mag-enjoy buong pamilya sa Dec. Wala sanang magkasakit. Wala sanang aberya. Maganda sana ang panahon. Please Lord. Bihira lang po kami mag-travel. Grant us a wonderful & memorable trip. Maraming salamat po.


Monday, February 06, 2012

Impromptu Date

MC (sick leave) si Labs kanina. May migraine. Pero dahil parehong nasa school ang dalawang Kenkoy pagkakataon na naming makapag-date. Ang saya-saya ko. Precious sa amin ang ganitong pagkakataon. Sobrang bihira kaming magka-oras ni Labs na kaming dalawa lang.

Nag-brunch date kami sa... IKEA! Hindi po kami Ikea stockholders, haha! Nagkataon lang malapit sa amin kaya madalas kami sa Ikea :)


Naubos din ang backlog...

sa labada at plantsahin. Current na ako. Wooohooo!

At sa wakas mauumpisahan ko na ang album para sa aking client. Kaso lang almost 400 photos pala ang pagpipilian ko. Goodluck naman. Pagpili palang ng pics ay... hayayay na!


Friday, February 03, 2012

OC-ness Attack

Sarap bisitahin pag may OC-ness attack...
{un}chaotic. organized living in a topsy-turvy world
.

Charging Station

Saan kaya makakabili ng ganito sa S'pore?



Dami na kasing chargers dito sa bahay. Kagulo ang mga cables. Nakaka-irita makita, hehe! Sensya na po. May OC-ness attack na naman.

*****
photo credit: Di ko na po matandaan. Sensya na. Na-Google ko lang po.


Wednesday, February 01, 2012

Kid's Drawing Turned to Stuffed Toys

Share ko lang itong blog entry...
How to Make Your Child Feel like A Toy Designer :)

Nabalitaan ko ito sa isang group na kinabibilangan ko.

Ang galing lang 'no? Siguradong matutuwa ang isang bata pag nakita nyang naisabuhay ang kanyang imahinasyon (well, hindi sa masyadong literal na kahulugan na magiging living thing pero gets nyo naman yung gusto kong ipahiwatig di ba?). Nakakaaliw 'no?

Parang gusto kong maghanap kung may naitatabi pa akong artwork ni Kenkoy. Si Kenkoy II naman ay nagsisimula pa lang sa pag guhit. Zombie ang kanyang unang iginuhit. At ngayon ko lang naalala na hindi ko pala nai-blog ang kwento sa Zombie na ito :( At nawawala ko rin ang original drawing. Hayyyyy! Pwede namang ulitin ni Kenkoy II kaso mas ok sana kung yung original.

Side Kwento na rin: Gumuhit si Kenkoy II. Tinawag nya ako at ipinakita ang iginuhit nya. Tinanong ko kung ano yun. Zombie daw. In fairness, mukha ngang zombie :) Magta-tatlong taon sya nung iginuhit nya yun. Di ko na tuloy matandaan kung Oct, Nov or Dec 2011. Hayyyy. Dapat talaga naiba-blog agad bago pa makalimutan.

Sad News

Ang balita sa Inquirer...
Laundry shop owner killed; wife, child’s nanny stabbed by robbers inside home
.

Co-N@Wies ko yung couple. Hindi kami close personally pero may kakaibang bonding ang N@Wies kaya nakakalungkot makabalita ng ganito. Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Kel at maka-recover sana agad si Char.

Pag minsang napapa-isip ka kung babalik ka nga ba sa Pilipinas para mag-retire pero ganito naman ang mga klase ng balita ay parang wag na lang bumalik. Nakakatakot. Sana ma-resolve na ang krimen sa Pilipinas. Sana maging mapayapa na para mas lalung sumaya manirahan sa sariling bayan.


I Extremely Love My New Toy

Balik tanaw: Still a Nokia Girl blog entry.

Weeee! Sobrang nae-enjoy ko ang new toy ko. Ang ganda-ganda lang. Sobrang aliw ako sa live tiles sa homescreen. Ang galing din ng contact list. Naka-link kasi sa FB account ko kaya kung ano yung profile photo nila sa FB yun na din ang maga-appear sa contact list ko.

Pwede ko na rin ilagay sa homescreen ang mga madalas kong tawagan/i-sms (si Labs at si Kenkoy lang naman yun, hehe). Isang click na lang.

Ang mga favorite websites ko nasa homescreen na rin. Isang click lang.

At ang pinaka-aliw na feature ay ang Favorite Pictures sa homescreen. Naka-shuffle kaya automatic ang palit ng photos sa screen. Parang gusto ko na lang sya titigan paulit-ulit. Para na akong may digital picture frame ;)

Tuwa talaga ako :)