Saturday, February 16, 2013

Kenkoy II's 1st Homework

Pagtapos ng sigawan sa umpisa, ang output ni Kenkoy II...



First homework nya. Talaga namang magkasunod lang... si Kenkoy ay kusa nang gumagawa ng homework nya. Time naman ni Kenkoy II na turuan. Nagulat lang ako kasi nung si Kenkoy, wala pang homework nung Nursery. Si Kenkoy II, meron na. Ok na rin kasi hindi ako nagtuturo ng advance. Pag may homework, at least, may papagawa na nga ako kay Kenkoy II na sabay sa itinuturo sa school.


Thursday, February 14, 2013

V-Day 2013 Celebration

Dessert namin...



Biglaan lang na date. Kanina lang nagpa-book si Labs sa Jack's Place. Dress sana isusuot ko kaso umuulan. Sayang feel ko pa namang magpaka-lady kanina *LOL* Ayun, naka-shorts kami buong pamilya. Kami lang ang naka-shorts sa restaurant, haha! Pero na-enjoy ko naman ang date namin. Behaved kasi ang dalawang bata. Hindi mga pasaway kanina. Mabuti naman :P

At may chocolates din pala ako from Labs :)




V-Day 2013

Yung naka-red shirt ka na may design pang puso sa Araw ng mga Puso! Pak! Eh sa nakalimutan kong araw ng mga puso pala ngayon :P

Wednesday, February 13, 2013

No FB until Black Saturday

At dahil Ash Wednesday ngayon, simula na ng Lent. Naisipan kong mag-deactivate ng FB pansamantala.

Para medyo magkaroon ng oras sa mga mas importanteng bagay.
Para medyo tumahimik ang mundo.
Para, hopefully, more time to pray & reflect.

Dami ko kasing dapat ayusin sa buhay ko at sa takbo ng pag-iisip ko.

FB friends, babalik po si Lit Coo sa Easter Sunday. Have a meaningful & blessed Lenten season, everyone!


Tuesday, February 05, 2013

Birthday Message for Labs

At dahil walang video ang pang-Famas kong acting nung party ni Labs, blog post na lang...

Labs,

Happy 40th Birthday!

Lubos-lubos akong nagpapasalamat sa Diyos dahil ikaw ang aking napangasawa. Kung ano ang pagkakakilala ko sa 'yo 23 years ago, ganung-ganun ka pa rin. Lahat ng katangian mo na nagustuhan ko (kaya hiniling ko talaga sa Diyos na sana ikaw ang aking mapangasawa)... lahat ng 'yun for 23 years ikaw na ikaw pa rin.

Maraming maraming salamat for being a faithful husband and a responsible father. Maraming maraming salamat sa araw-araw na pagtatrabaho mo to provide our family's needs & some luxuries. Salamat din sa masasarap na pagkain na niluluto mo para sa ating pamilya.

I wish you good health. Ingatan mo ang sarili mo. Makikipaglaro pa tayo sa mga apo natin.

Dalangin ko rin ang masaganang buhay. Sana less worries na for you. At sana sa 50th birthday mo ang celebration ay sa dream house na natin.

Dalangin ko na another 40 years na healthy, masagana at makabuluhang buhay.

Hindi na ata ito isang malaking sorpresa para sa 'yo. 3 months ko/namin itong pinaghandaan. Excited ako para sa 'yo. I hope you feel how much you are loved. Enjoy your party.

I love you!

Lit Coo


Saturday, February 02, 2013

Surprise Birthday Party for Labs Part II

Ang hirap palang mag-prepare ng surprise party. Kung stressful ang wedding preps, mas na-stress ako dito sa surprise party for Labs. Siguro kasi wala akong karamay sa worries at sa excitement. Di gaya sa wedding preps, dalawa kayong nag-aalala, dalawa rin kayong excited. At saka gusto ko talaga clueless si Labs. Gusto kong makita yung galak nya.

Akala ko nga palpak na ang plano. Paano naman si Labs sabi nang sabi... "Isu-surprise mo ba ako? Wag mo na ako i-surprise."

Tapos pagbili nya ng Macbook Air, sabi nya... "Masaya na ako dito kahit walang celebration." Kamusta naman ang pinaghirapan ko eh Macbook Air lang pala masaya na sya. Ka-presyo na ng Macbook Air ang party nya, stress-free pa. Sana pala Macbook Air na lang ang niregalo ko, naisip ko.

Tapos nag-YM message pa si sis-in-law na binabati si Labs at saka na lang ang video. Nakalimutan kong mag-logout. Ayun, si Labs ang nakakita ng message. Anong video daw ba? Isu-surprise ko daw ba sya. Basta lagi nyang binabanggit ang word na "surprise" kaya bad trip na ako. Akala ko talaga buko na.

Nagpadala naman ng video si sis-in-law. Sabi ko kay Labs ayun na ang surprise ko sana. Di na surprise kasi tumitingin sya sa laptop ng may laptop :P

Pero nung araw ng party na, nag-let go na ako. Hayaan ko na kung alam na nga nya. Hayaan ko na kung may hindi nasunod sa plano. Enjoy enjoy na lang. Party mood. Cool na ako. Wala ng stress.

Ang alam ni Labs ay birthday party ng inaanak nya. Birthday naman talaga nung araw na yun ng inaanak namin pero wala sila sa Singapore. Sa Hello Kitty Land Malaysia sila nag-celebrate.

Sabi ko kay Labs magkita na lang kami sa venue kasi samahan ko muna si Kenkoy sa swimming lesson nya. Pero ang totoo, absent si Kenkoy sa swimming lesson at dumiretso na kami sa venue ng party. 2pm nandun na kami. Marami-rami na ring guests kasi 2pm ang nilagay ko sa invitation. Pero si Labs, 3pm ang sabi sa kanya ni Mare.

Pagdating ko dun naka-arrange na mga balloons. Ang ganda :) Nasunod ang plano.

Last minute preps para sa souvenirs. Tapos dumating na rin ang customized cake. Ka-presyo na nito halos ang wedding cake namin pero sobrang sulit naman... sa design at sa lasa... panalo!

3pm na... parating na si Labs. Humahangos. Nagtataka daw sya bakit wala halos mga bata eh children's party dapat yun. Tapos nakita nya mga kabarkada nya sa opisina. Dun na nya naisip na ang party ay para sa kanya. Kamot ulot sya. Nakakatuwa!

Tapos ayun na, start na ng program. Binasa ko na ang ma-drama kong love letter. Sumunod si Kenkoy sa pagbigay ng message sa Papa nya. Nag-pray si Kenkoy na i-bless ang food then kainan na :)

Nagsimula na tumugtog ang band ng music from 70s to 80s :)

Pagkatapos ay kinantahan ulit si Labs ng birthday song, blowing of candles, well wishes isa-isa ang mga guests. Nagpasalamat si Labs tapos maikling game na tungkol kay Labs.

Tapos music from 90s to present decade naman. Ang saya. Nakalimutan na nga ni Labs na party nya. Akala nya concert nya. Di na halos binitawan ang mic, haha!

Sinerve na rin ang cake. At ibinigay na ang souvenirs. Saktong 7pm, uwian na. 2-7pm lang kasi naka-book ang venue.

Stressful mag-prepare ng surprise party pero sobrang sulit naman lahat ng pagod, anxieties at gastos. Sulit na sulit dahil ang saya-saya ng birthday boy.

Happy birthday ulit, Labs!

*****
Pahabol: para talaga syang wedding preps. May nightmares din. The night before the party napaginipan ko na ako lang daw ang naka-red. Kamusta naman yun? Eh nakalagay sa invitation ang dress code. Mabuti naman sa reality ay nag-red naman halos lahat :)


Surprise Birthday Party for Labs

Ngayon pwede na i-blog ang pinagkaka-abalahan ko sa mga nakalipas na buwan.

Success ang surprise party for Labs, woohooo! Thank You po, Lord. Ilang buwan ko itong pinaghandaan.

Baka 6 months to 1 year akong nag-gather ng ideas para sa party ni Labs. Yung Pinterest account ko karamihan ay 40th birthday ideas :) Music-themed ang party. Red, black & white ang color motif.



2 months before the event na-book ang venue. Naka-attend kami dun ng 7th birthday party ng anak ng ka-opisina ni Labs (sanga-sanga... gets nyo naman? LOLZ). Feel ko agad yung place. Perfect sya para sa dream party ko for Labs. Pero dapat mayroong employee sa company nina Labs o kaya sa sister company nila para makapagpa-book dun. Buti na lang sa sister company nina Labs nagtatrabaho ang choir mate nya. Sya ang tumulong sa akin magpa-book ng venue at makipag-usap sa caterer.

Nung Dec. pinasuyo ko sa sister ko yung pagpapa-print ng birthday t-shirt. Sa internet ulit ako kumuha ng idea. Ang galing kasi ang mura sa Philippines. Php280 lang ata yun. Naku, kung dito 'yan malabong makahanap ng $10 na pagpapa-print ng t-shirt. Kinailangan kong maitago sa bagahe namin ang t-shirt. Success naman.

Mga 1 month before the event naman ako nakisuyo sa isang kaibigan para i-design ang invitation & thank you tags. May nagustuhan akong design sa internet. Pinattern na lang dun.



Yung cake mga ganitong time din ako nakipag-usap sa cake maker. Dec pa lang nag-inquire na ako pero siguro busy sila. January na sila naka-reply sa akin. Nakita ko sa Facebook page nila yung music-themed cake. Nagustuhan ko talaga. Tapos nag-suggest ang isa pang choir mate ni Labs na maghahanap daw sila ng conductor figurine sa Manila. Dun naman ako nagka-idea at tinanong ko sa cake maker kung kaya nila gumawa ng choir master figurine. Kaya raw nila. Nag-send ako ng picture ng current choir uniform nina Labs. Na-kopya naman. Choco crunch ang flavor na pinili ko. Ang sarap sobra. At ang bigat ng cake. Siguro mga 5 kg yun. Pero may katumbas na presyo *LOL* Halos ka-presyo na sya ng wedding cake namin. Pero sulit naman dahil masarap at ang ganda ng design... customized pa.



Balloons. Mga 2 weeks before the event ata ito na-order.

Souvenirs. Bag tag ang pinili ko kasi lahat naman ng guests namin ay OFWs kaya siguradong madalas babyahe. Nakisuyo na lang ako ng pabili ng sinamay pouch sa Divisoria. Php10 bawat isa. Yung thank you tags pina-print ko, isa-isa kong ginupit, binutasan at ini-ribbon sa pouch. Lahat ng yan dapat magawa ko habang nasa opisina si Labs ;)

Program. Siguro mga 2-3 weeks din ito before the event. Yung repertoire, band na ang pumili. Request ko lang simulan sa 70s then 80s, 90s hanggang sa present decade para kuha lahat ng 4 decades ni Labs. Yung pinaka-program ginawa ng isa pang choir mate ni Labs. Ang ganda. Smooth na smooth ang flow. Pati sa mismong party, enjoy enjoy lang kami.

Hindi pa po tapos ang kwento. LOLZ. To be continued ang blogging mamaya. Break time muna.


Friday, February 01, 2013

Pizza Day + LOTR Marathon

2nd day ng 40th birthday celebration ni Labs. Leave sya for 2 days kaya 4-day long weekend, woohooo!



Thursday, January 31, 2013

Macbook Air

Ang matagal nang inaasam ni Labs...


Regalo nya para sa sarili nya :P


Wednesday, January 30, 2013

Kulang ang Oras

Miss ko na mag-blog. Lalung miss ko na mag-scrapbook :'(

Kulang 24 hrs a day *sigh*


Labs' 40th Birthday Celebration

Para sa milestone birthday ni Labs...

LOTR marathon plus pizza! Woohooo! #excited


Tuesday, January 22, 2013

Result & Certificate of Kenkoy's ABRSM Grade 1 Theory Exam

Sobrang galak ko rito...



Na-reach ulit ni Kenkoy ang isa sa mga goals nya for year 2012... ang makakuha ng Distinction sa ABRSM Grade 1 Theory of Music. Ang nakakatuwa pa at sobrang proud talaga ako ay dahil isa lang ang mali nya. Score na 90-100 ang Distinction, yun ang target namin. Ang galing lang at naka-99 sya.

Way to go, Kenkoy! Simula pa lang ito. Congratulations, anak. Sana magtuloy-tuloy hanggang Grade 8. Continue to enjoy playing piano. Grade 2 ka na sa piano. Pag Grade 3 ka na, dagdagan na natin ng 2nd musical instrument, okidoki?


Please Heal Us, Lord

Hindi maganda ang pasok ng bagong taon. Di na matapos-tapos ang sakit sa pamilya namin.

Una, hives ni Kenkoy nung 15 Dec. Hanggang ngayon medyo meron pa rin. Pagkatapos 10 Jan trinangkaso si Kenkoy II. Birthday pa naman nya. Pagkatapos ni Kenkoy II, ako naman ang trinangkaso. Sumunod si Labs pagkatapos ko.

Tapos nung isang gabi bago matulog sabi ni Kenkoy iba daw nararamdaman nya sa face nya. Ayun, pag-uwi kahapon galing sa school... tabingi ang face nya. Facial paralysis :(

Mamaya punta sila sa duktor. Sana naman gumaling na si Kenkoy. Sana po, Lord, gumaling na po kaming lahat. Healthy 2013 po sana para sa amin. Maraming salamat po.


Thursday, January 10, 2013

Tuesday, January 01, 2013

Ready for School Year 2013

Ready na ang mga gamit ng dalawang Kenkoy para sa 1st day of school bukas :)