Sunday, March 29, 2015

Paalam, Mr. Lee Kuan Yew


Today, we had our last glimpse of our 2nd home's founding father.
Today, we bid farewell to a great leader.
Another unforgettable moment in my life.

First time for me to purchase a Pandora charm that will evoke great sadness but with much gratitude. New charm in memory of MM Lee Kuan Yew.

Paalam po, MM Lee. Maraming maraming salamat pong muli. Rest in peace, Sir!

#RIPLKY
#ThankYouLKY

Paalam, MM Lee Kuan Yew

March 2001 nabigyan ng pagkakataon si Labs na makapagtrabaho dito sa Singapore.

Hindi pa ito ang Singapore na naabutan namin. Sa loob ng labing apat na taon ang laki na ng ipinagbago. Maganda na siya dati pa. Pero mas gumanda pa ngayon.


Bukas... bukas na ang huling sulyap namin sa isang mahusay at ginagalang na pinuno na nangarap at bumuo sa kung ano ang Singapore sa ngayon.

Paalam po, Mr. Lee Kuan Yew. Maraming marami pong salamat sa pagkakataong bumuo ng pamilya at manirahan sa Singapore.

#14thAnniversaryInSingapore
#ThankYouLKY
#RIPLKY

(Ang larawan ay na-download mula sa Facebook. Paumanhin at hindi po alam ni Lit Coo sino ang tunay na nagmamay-ari ng larawan.)

Wednesday, March 25, 2015

Aprub!

Nago-off ako ng phone sa work. Paglabas ko ng school kanina at pag-on ko ng phone ito ang photo na natanggap ko mula kay Labs...


Aprub daw! Bwahaha! Grabe, ang lakas ng tawa ko habang naglalakad ako mag-isa. Lakas maka-stress reliever ni Labs. Sabi ko na kasi dati pa na itapon na mga butas na medyas na hindi na naisusuot pa. *LOL*


Monday, March 09, 2015

Work Affirmation #1

Yung ganitong email ang natanggap mo galing sa principal na boss mo...



#happiness #NakakawalaNgPagod

Sunday, August 31, 2014

Kenkoy's 1st Piano Recital

 
Fur Elise ang recital piece ni Kenkoy. Sobrang saya ko na isa siya sa may magandang performance kanina. Madaming lumapit sa amin at nagsabing nagustuhan nila ang performance ni Kenkoy. Nakakatuwa nakapag-perform si Kenkoy sa big crowd (mga 100 na katao). Salamat sa Diyos walang stage fright. Sa ngayon, Fur Elise ang paborito ko sa lahat ng piyesa ni Kenkoy. Bago matulog pinapanood ko ang video ng recital niya. Parang sasabog ang puso ko. Hahaha! Ang galing nang pagkakatugtog at maganda talaga ang pagkaka-compose. Genius talaga si Beethoven.

Friday, August 29, 2014

Craft Area


For the first time in forever may craft area na ako. 11 years na akong scrapbooker ngayon lang ako nagka-table. Dati sa floor lang ako nagii-scrapbooking. :P

#happiness

Thursday, August 28, 2014

Current Playlist

Click ---  Apo Hiking Society.

Wednesday, August 27, 2014

Tuesday, August 26, 2014

Recent Phone Bill

Kamusta naman na makatanggap ka ng ganitong sms...


Hala! Paanong umabot ng $889 (mga Php30K) ang bill namin?

Pag check ng details, na-on pala ni Kenkoy ang GPRS phone setting niya. Pero salamat sa Diyos dahil very considerate naman ang aming service provider nung makiusap kami. Dahil 13 years na raw nila kaming customer eh naging considerate sila sa nagawa ng bata. Bata eh hindi pa naman nila gaanong alam ang mga dapat na settings. Pinatanggal na lang namin ang data plan (na akala namin sa simula pa lang ng contract ay wala na talagang data plan yun pala depende pa sa setting ng phone). May kailangan pa ring bayaran pero at least hindi naman $889.

Thank You pa rin po, Lord.
And thank you, service provider.


Back in the Workforce

Year 2001 nung mag-resign ako sa work, nabuntis at nag-decide na maging full time homemaker.
Year 2006, 4yo si Kenkoy nang mabigyan ako ng pagkakataon na mag-trabaho muli.
Year 2007, nag-resign ulit ako.
Year 2008, nagplanong magka-baby ulit.

Ngayong 2014, 5yo na si bunso at 12yo na si Kenkoy. Mga independent na bata. Pwede na siguro akong bumalik sa workforce. At kanina, sa 1st application/interview, natanggap ako. Woot! Thank You po, Lord! Sobrang saya na kahit ang tagal kong naging full time homemaker ay nabigyan muli ako ng chance na kumita muli.

Retail industry. Malayo sa pinag-aralan ko. Sabagay ang homemaker naman malayo rin sa pinag-aralan ko. :P Masaya pa rin ako. Sobrang saya na nabigyan ng chance. At the same time ay kinakabahan. Balik na ulit ako sa rat race. 6 days ang work sked kasama pa ang weekends. Yun ang malungkot na part. Sana lang ma-manage ko ng tama ang oras ko. At sana may energy pa akong maki-bonding sa aking pamilya.

Salamat po talaga, Lord! Masayang-masaya po ako. Sana kaya ko po ito. Sana kaya ko po sa customer service/retail industry. Thank You po ulit.


Monday, August 25, 2014

Sunday, August 24, 2014

Deactivated FB Account


Nabawasan na ng isang social media account si Lit Coo.
Liberating. :P

Para sa mga kaibigan ni Lit Coo na nais pa ring makibalita...
- blog (dating FB status balik sa blog #happiness)
- Instagram (shempre pa mga photos #MyHappyPills #GoodVibes)
- Viber (kapalit ng FB messenger)
- WhatsApp (kapalit din ng FB messenger pero mas Viber ang gamit ni Lit Coo)
- email

Maraming salamat. :)


Thursday, August 21, 2014