Monday, June 12, 2006

Sad Realization

Nung Saturday, nag-stop over ulit ang Kuya ko dito from Indonesia on his way to Philippines. From him nalaman ko na my mom feels alienated. It's sad to know that she misinterprets us. Mahirap pala talaga may kasama sa bahay... ka-pamilya man o in-laws. Mas maayos pala talaga ang nakabukod at may sariling buhay. Hindi ko akalaing magiging ganito. Pero siguro naninibago lang si mommy. Siguro naho-homesick lang.

Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Tuliro pa ko. Crossroad na naman para sa akin.. para sa amin. Kailangang magmuni-muni ulit at magdasal para sa next major decision.

If in case my mom decides to go back to PI, iniisip ko pa kung magpapatuloy nga akong mag-work at kukuha na lang ng Yaya. O kung babalik sa pagiging fulltime homemaker. Kung tutuusin mas gusto ko yung huling option :) Ang gusto ko lang sa pagiging working mom ay ang income, hehe! Siguro check ko rin paano magiging SAHM na may income... the best siguro yun, hehe!

Sana nga mag-normalize na ulit ang buhay namin. Four months na ring parang puno ng uncertainties. Parang laging any moment may pwedeng mangyari. Sana malaman na din namin kung ano nga ang best set-up para sa amin.

No comments: