I-blog ko muna ito bago ko malimutan. Magagamit ko ito sa journaling sa LO (hehe).
Ngayon ko pa lang natuturuang magsulat si Kenkoy pero sa school tinuturuan naman na sila. Pero napansin ko lang kagabi na may pagka-perfectionist nga pala talaga itong anak ko. Mukhang namana sa akin. Pagsulat nya ng "r" sa name nya eh di kagandahan pero mukha namang "r"... expected naman yun kasi nagsisimula pa lang syang magsulat. Aba at ang sabi ni Kenkoy ay "Not nice. It looks like a monster." at ayaw na ituloy ang pagsusulat. Aiyoh! Gusto maganda agad ang penmanship nya. Todo explain naman ako na gaganda rin yun. Kailangan lang ng practice. Pero panay sabi na ang pangit daw ng sulat nya. Talaga naman. Pero goal ko na matutunan nyang isulat ang name nya bago magsimula ang 3rd school term on June 26. Sana nga makahiligan nya rin ang pagsusulat.
No comments:
Post a Comment