Super excited ako tapusin ang 1st birthday album ni Kenkoy. Na-compose ko na ang journaling. Tagal ko pa naghanap ng bagay na fonts. As always, sukat-sukat mode pa ako para sakto sa papel ang pagkaka-print. Ready na lahat. On na ang printer. Pero ayaw mag-print. Sh*t! Ba't ayaw mag-print? Naka-ilaw yung "drum". Drum?? Ano ba yung drum na yun? (bobits sa gadgets, hehe). PM ko agad si Labs. Kailangan ko daw bumili ng drum. Sheesh! Kakasira ng mood, hayyy!
Pwede ring handwritten. Kaso gusto ko yung mga fonts. Bagay yun sa album na ginagawa ko.
Baka gamitin ko na lang ang printer ni Labs (na nilait-lait ko, hehe). Tagal kasi matuyo tapos di pa masyadong maka-print sa Bazzill paper kasi nga textured paper. Sabi ko pa kay Labs... "Ayoko ng printer mo... ang pangit." Tapos ngayon mukhang mamahalin ko ang printer nya, hwehehe!
No comments:
Post a Comment