Sunday, April 08, 2007

Happy Easter

Miss ko ang Holy Week sa Pinas. Ang Pasko sa Pinas medyo hindi ko nami-miss. Pero ang Holy Week at ang Pasko ng Pagkabuhay sa Pinas ang nami-miss ko. Dati nagvi-Visita Iglesia kami ni Labs tuwing Maundy Thursday. Tapos pag ganitong oras nagi-Easter Vigil kami ng HS/College friend ko na si JJ. Pa-morningan na yun. After ng Mass wala ng tulugan. Kwentuhan hanggang umaga, hehe!

Ang saya talaga ng feeling tuwing Pasko ng Pagkabuhay. Sayang lang magkalayo kami ni Labs ngayong Easter. Kaya eto nagii-scrap na lang ako (hahaha... ang layo... wala atang koneksyon).

Tutal nasimulan ko na eh ituloy ko na ang pagka-off topic, hehe...
Eto nakaka-6 layouts na ako para sa 1st birthday album ni Kenkoy. 8 layouts pa. Sana matapos ko next week. As usual, simple scrapbooking ulit. Sinisingit ko lang kasi talaga sa oras ko kaya eto puyatan na naman para matapos lang. Grabe, ang hirap kumuha ng extra time. Kanina pagkaligo ni Kenkoy, magluluto na. Pagtapos magluto kain na shempre. Si Kenkoy super duper bagal kumain. Umaabot kami ng halos 2 oras. Kailangan talagang tutukan sa pagkain. Pagtapos nun hugas ng pinggan/pinaglutuan. Laba. Maya maya lang kakain na naman si Kenkoy. Wee wee... poo poo (dalawang beses pag nag-poop kanina). Tapos dinner time na. Grabecious talaga. Walang humpay. Parang nang-aasar pa talaga kung kelan nasa mood ako mag-scrap. Yun lang. medyo ranting mode lang ako, hehe! Actually ganyan naman halos ang routine ko araw araw. Medyo asar-talo lang ako ngayon kasi nga gusto ko mag-scrap tapos ganito... never ending ang pag-aasikaso sa anak :P

Napa-kwento lang po ;) Balik na ulit ako sa pagii-scrap.

Happy Easter na lang sa lahat :)

No comments: