Sa wakas, nagawan ko rin ng layout ang Disney on Ice photos namin. Nahirapan ako sa layout na ito. Ang hirap mag-mix and match ng papers. Mga 5 am ako nag-start. 6 or 7 am di pa rin ako nakakapili ng papel. 11:30 am na ako natapos sa 2-page layout.
Sa hirap nitong layout ay dinugo pa ako :P Literal na dinugo. Lumabas kasi ako saglit ng room. Pagbalik ko, naapakan ko yung Disney staple bar (yung ginagamit sa fastenater). Nakalimutan kong nandun pala. Ang sakit.
Pero ok na rin kasi nagustuhan ko ang output. Nakakatuwa rin si Kenkoy II kasi pagkagising nya ay nakita nya akong nagii-scrap. Nakita nya yung layout, nice daw... sabay palakpak pa. Nakakatuwa, 2 yrs old pa lang sya pero nakaka-appreciate na. Si Kenkoy, ganun din. Nice daw. At bakit daw "thank you". Mas lalu naman akong natuwa dahil mas nagka-essence yung paggawa ko ng layout --- para matandaan nya kung bakit kami nagpapasalamat sa kanya.
No comments:
Post a Comment