Wednesday, April 27, 2011

Circles

I-post ko lang para may record ako. Makakalimutin na kasi ako. Kanina nga magba-blog ako. Pagka-login ko, di ko na alam ang ikukwento ko. Kamusta naman yun? :P

Nakaka-drawing na nga pala si Kenkoy II ng circles. At hindi basta circle... circle na circle... bilog na bilog (haha).

Tuwa lang ako kasi natuto lang sya ng mag-isa. Di ko pa naman kasi sya tinututukan masyado. Feeling ko madali nya namang matututunan kasi observant sya. Mag-start na rin sya ng school sa January 2012.

Siguro naco-compare ko lang kasi sa development dati ni Kenkoy. Mas advance itong si bunso. Eh ok naman ang development ni Kenkoy... nakaka-cope naman sa S'pore education... kaya di ako nagwo-worry kay bunso. Tingin ko mabilis ding matututo si Kenkoy II.


No comments: