Wednesday, August 31, 2011

White Flower

Inaantok pa ako kanina. Gising na diwa ko pero nakapikit pa ako. Ang kulit ni Kenkoy II. Ginigising na ako. "Mama, what color?", tanong nya. Ano daw color nung tinuturo nya. Di ako sumasagot. Sya ang sumagot sa tanong nya. Sabi nya, "White." Nabalikwas ako ng bangon. Naalala ko yung white flower na ginamit ni Labs. At tama, white flower nga yung tinutukoy ni Kenkoy II. Hayyy, ang batang 'to talaga. Dati ang ininom naman nya ay yung bubble solution. Buti marunong ang sister-in-law ko ng first aid. Pinasuka nya si Kenkoy II.

No comments: