Monday, August 22, 2011

Mapua Facebook Group


May bago akong kina-aadikan ngayon... ang Mapua Facebook Group. Ang saya lang. Parang grand cyber-reunion ;) Nakakatuwang makakita at makausap iba't-ibang batches from 70's to present. May mga nag-post ng old MIT school IDs. Tapos ang daming alam pa ang student #. Pati ang block section alam pa rin. Ako, tanda ko pa rin ang student # ko pati na ang kay Labs (haha). Ganun din ang block sections namin ay tanda ko rin.

Kakatuwa lang talaga. At gustong-gusto ko basahin ang posts ng older batches. Daming talagang matututunan sa nakakatanda. Ang younger batches naman ang bahala sa kulitan, bwahaha!

VIVA MAPUA 3x!


No comments: