Showing posts with label SKL. Show all posts
Showing posts with label SKL. Show all posts

Saturday, May 09, 2015

1st Pap Smear

Balik tanaw: Free Pap Smear

Share Ko Lang...

na 1st Pap Smear ko kanina. Nakakakaba pala. Sana negative sa cervical cancer ang result.

Saturday, April 25, 2015

Atenista

Share Ko Lang...

Kasi sobrang tuwa ako sa results na ito dahil ipinagdasal ko talaga ito kay Lord. Matagal na itong results... isang October 2014 at isang January 2015.

Parehong nakapasa sina Kenkoy at Kenkoy II sa Ateneo de Manila. Grade 1 sana sa pasukan si Kenkoy II at Grade 7 naman si Kenkoy. Uuwi na sana kasi kami sa Pilipinas. Naka-plano na lahat kaya lang sa pagdi-discern namin ay mas maiging dito na muna kami manirahan.

Kakatuwa lang. Mga Atenista na sana ang dalawang Kenkoy. :)






Sunday, July 07, 2013

Kenkoy's 2nd Instrument

Si Kenkoy naman ang nagpabili ng violin. Magii-self study daw sya. Kusang nagri-research sa YouTube ng tutorial videos. Nakakatuwa.

Saturday, June 29, 2013

Kenkoy II's 1st Instrument

Share Ko Lang...

na kinulit-kulit ni Kenkoy II ang Papa nya na bilhan sya ng violin.

Bibili lang dapat kami ng microphone sa Yamaha kaya lang nakita ni Kenkoy II ang violin. Ayun, ayaw na umuwi hanggat di siya binibilhan. At talagang siya ang nagbuhat ng violin nya mula Plaza Singapura hanggang sa bahay. At nakakatuwa siya tingnan. Kung makahawak at makatugtog ng violin nya eh akala mo kagaling-galing na nya. LOL


Sunday, May 05, 2013

Luxury Pram

Matagal ko na ito nakikitang naka-display sa isang mall dito...



Kala ko display lang. Kala ko di umaandar. Vintage kasi ang hitsura. Laking gulat ko nang makita ko ang price tag. SGD 3,900. Eh di mga Php120K yun. Susme! Ganun pala sya kamahal. Paulit-ulit ko talagang tiningnan baka may tuldok pero wala. Talagang SGD 3,900. Balik ulit ako para tingnan baka may diamonds, hehe! Grabe lang ang pagka-priviledged ng mga babies na magkakaroon nito. Eh parang matagal na ang isang taon na magagamit ito. Pang-museum ng family pwede rin siguro, haha!


Friday, April 05, 2013

Date with Kenkoy II

Share Ko Lang...

na nag-date kami ni Kenkoy II kanina. Usual date namin sa Orchard :)

Pagka-sundo ko sa kanya sa school ay dumiretso na kami sa Orchard. Nag-lunch kami sa McDo. Tumuloy kami sa ION para sa aking Happy Lemon (hehe).

Pagkatapos ay pumunta kami sa Takashimaya para bumili ng nipples ng bottles nya. Sira na kasi lahat ng nipples. Ayaw pa i-give up ang milk bottles nya, hayyy! Ayoko na rin pilitin. Ayokong ma-stress. Hayaan ko na lang kusang umayaw. Parang si Kenkoy nun, kusa lang din umayaw pero 5yo na, hehe! 4yo na si Kenkoy II... sana naman next year ay uminom na sya ng milk sa glass. Hindi ko na mahanap yung brand ng bottles nya. Wala na siguro kasi mga kilalang brands na lang ang nasa market. Humanap na lang ako ng ibang brand. Buti saktong pwede sa bottles nya. Mga $7 para sa 6 nipples.

At shempre pa ang last stop namin ay sa indoor playground ng Paragon Mall. At pagtapos maglaro akyat ng isang floor para sa Toys 'R Us. Nag-improve na ang EQ ni Kenkoy II. Pag ang usapan ay pwedeng pumasok sa toy store pero hindi bibili ng kahit anong laruan, natutupad na nya yun. Yipeeee! Dati kahit nag-ok sya sa kasunduan eh talagang magpapabili pa rin. Paiyakan bago mailabas ng toy store. Buti ngayon ay laru-laro lang sya dun pero di naman kami talaga bibili :P

Ganyan lang ang usual routine ng date namin pero masaya pa rin. Excited pa rin akong makipag-date sa dalawang Kenkoy :)


Wednesday, February 27, 2013

Kenkoy II's Renewal of Passport

Share Ko Lang...

Absent kanina si Kenkoy II. May appointment kami sa Philippine Embassy para magpa-renew ng passport nya. Maganda na pala ang embassy. At may sistema kaya wala pang 30 mins ay tapos na ang buong proseso. Balik na lang kami sa 23 April para sa pag-collect ng new passport.

Pagkatapos namin sa embassy ay tumuloy kami sa Orchard. 1st date naming mag-ina for this year. Ang saya-saya.


Wednesday, December 05, 2012

Madaliang Kwento

Utang muna ang mahaba-habang kwento. Humahataw lang dahil malapit na ang uwi sa Pilipinas. Marami pang kailangang tapusin.

Share Ko Lang...

1) Nanalo sina Kenkoy ng silver sa Winter Choral Festival 2012 sa Hong Kong *woot* (Thank You po, Lord!)

2) Nagawa ko na ang Christmas card namin. Woohooo! Umabot ako sa deadline.

3) Ginagawa ko ngayon ang December Daily for the first time. Sana maging annual tradition.


Saturday, November 10, 2012

Medical Check-up

Share Ko Lang...

na nagpa-medical check-up nga pala ako kanina. Sana healthy ako.


Saturday, October 13, 2012

1st Drop

Sabihin Ko Lang...

na unang beses nabagsak ang Corelle plate namin kanina. At tunay ngang unbreakable. Mataas-taas din yun ang kinabagsakan pero buti na lang at hindi nga nabasag. Walang lamat. Walang bungi. Ayos! Kung hindi walang humpay na sermon na naman si Labs mula sa akin :P


Wednesday, May 11, 2011

Evolution of My Handphones

Share ko lang...



Nakita ko yung old handphones ko. Nakatabi pa. From left to right:

Nokia 6150, my 1st handphone. Gamit ko from 1999 to 2003.
Nokia 6288, my 2nd handphone. From 2003 upto 2009.
Nokia E71, my 3rd & current handphone. From 2009 to present.

Yung 6150, gift ni Labs. Php10K pa ata yan circa 1999. Hindi pa colored ang screen. Ika nga ng pamangkin ko --- it looks like a calculator. LCD screen pa kasi, haha! At mukha raw radio ng mga police, sabi ni Kenkoy. *LOL* Pero memorable ito kasi unang phone at ito ang gamit ko sa wedding preps namin ni Labs.

Yung 6288 & E71, free yung units. Kailangan lang mag-renew ng 2-year contract sa mobile phone service provider namin.

Yung 6288, colored screen na at may camera.

Yung E71 naman pwede na mag-connect sa internet.

Nagpapalit lang ako ng unit pag end of contract na para pag renewal ng contract ay maka-libre ng phone.