Saturday, October 13, 2012

My 39th Birthday

Buong araw ang celebration. Nakakapagod pero masaya :)

Inihanda ko muna ang mga bata para sa school. Si Kenkoy pumapasok na mag-isa sa school. Si Kenkoy II ay hatid-sundo ko pa. Pagkahatid ko kay Kenkoy II ay sumaglit ako sa Adoration Chapel. Hindi na ako nakapag-Simba. Pero ok na rin sa Adoration Chapel. Tahimik talaga. Bagay talagang maging lugar para maka-usap si Lord.

Pagkauwi ko sa bahay. Gumawa ako ng ilang household chores habang pinapanood namin ni Labs ang 1st episode ng Arrow. Pagkatapos ay pumunta kami sa Ikea para mag-breakfast date. Stress-free pag wala si Kenkoy II :P

Ito ang breakfast namin...



Pagkatapos ng breakfast ay pinasuyo ko kay Labs na sunduin si Kenkoy II sa school dahil may mga kailangan pa akong tapusing trabaho. Buti pumayag naman :) Tapos inantay namin si Kenkoy from school. Mga 2pm na ata kami naka-alis ng bahay.

Nag-lunch kami sa Swensen's ION dahil sa paborito kong Crayfish Pasta...



At si Labs at Kenkoy ay mahilig sa pizza kaya umorder sila ng tig-isa. Pepperoni Cheese Pizza kay Labs at Hawaiian Pizza naman kay Kenkoy. Share naman kami ni Kenkoy II sa Crayfish Pasta.


Ito ang Ice Cream & Dessert Buffet area ng Swensen's. Pero hindi na rin kami nag eat-all-you-can ng ice cream. Umorder lang kami ng Firehouse Happy Birthday. Para rin syang Banana Split. Vanilla, strawberry & chocolate din pero may firehouse flame para makapag-birthday wish pa rin then blow the candle. Ang saya kasi kinantahan ako ng dalawang Kenkoy :) At medyo solo namin ang buong restaurant kasi weekday at hindi peak hours. Ok na rin pala na hindi kami nag-ice cream buffet kasi hirap na kami ubusin yung Firehouse Happy Birthday. Busog na rin siguro kami. Suko na kami sa tig-1 scoop of ice cream, haha!



Pagkatapos kumain ay tumuloy kami sa Fossil Ion para pumili ng birthday gift ni Labs. Ang ganda-ganda ng watch. Tuwang-tuwa ako :)

Pagkatapos ay Kinokuniya naman. Bumili si Labs ng libro at si Kenkoy II pumili ng coloring book nya. Barney ang napili ni Kenkoy II. Ang ganda lang din kasi activity book sya kaya nakakatuwa may bagong way para matuto si Kenkoy II na sumunod sa instructions.

Tapos tuloy kami sa Takashimaya. Bumili si Labs ng messenger bag na gagamitin nya for office.

At shempre pa hindi matatapos ang araw na hindi dadaan sa playground sa Paragon. Laro muna ang dalawang Kenkoy. After nila maglaro, ayaw pa umuwi ni Kenkoy II. Manood daw ng sine. Wala talaga sa plan ang sine. Search kami ng movies. Walang pambata. Pumunta kami sa sinehan, wala talaga. Exam month kasi ngayon kaya siguro walang movies na pambata. Busy ang mga estudyante na mag-review at prepare para sa exams.

At dahil wala namang movie na pwede sa mga bata, nag-dinner na lang kami sa Wendy's. Hindi pa kami gutom kaya nag-salad na lang kami.

Pagod na ang mag-aama ko kaya nag-taxi na kami pauwi. Ako lang ata ang may komportableng shoes kaya hindi masakit ang paa ko. Lahat sila hindi na halos makalakad dahil ilang oras na rin kaming naglililibot sa Orchard. Pero suko ako kay Kenkoy II. Ang hilig ipilit ang gusto nya. Di naman pwedeng pagbigyan lagi dahil magiging brat. At may mga requests sya na hindi talaga pwede pagbigyan. Nakaka-stress. Kailangan ko na talaga matutunan kung paano i-handle ang ganitong klase ng personality. Lagi kaming nagca-clash :(

Pero sa kabuuan, masaya naman ang araw ko. Mas masaya na. Kaunting depression na lang. Maraming salamat kay Lord, kay Labs, sa mga kids ko at sa lahat nang nakaalala.


No comments: