Nung isang linggo pagtapos ng piano practice ni Kenkoy ay kumpleto na kaming pamilya sa kwarto. Busy si Labs sa notebook nya. Yung dalawang Kenkoy sa iPad nila at ako naman sa mobile phone ko. Maya-maya...
Labs: May naririnig ka?
Lit Coo: May nagpa-piano.
Labs: Naririnig mo rin 'yun?
Lit Coo: Wag kang ganyan.
Kinikilabutan na ako. Kinikilabutan na rin si Labs. Kasi walang tao sa sala. Pero may narinig talaga ako... at sabi ni Labs sya rin daw. Hindi ako matatakutin. Pero nung sandaling 'yun ay natakot talaga ko.
Lit Coo: Katakot naman. Wag na mag-piano si Kenkoy. Gitara na lang.
Labs: Mas malapit 'yang gitara. Ayan lang.
Lit Coo: Tangeks!
At tawanan kaming dalawa nang pagkalakas-lakas. Baliw din 'tong mister ko. Lakas manakot.
No comments:
Post a Comment