Friday, April 05, 2013

Date with Kenkoy II

Share Ko Lang...

na nag-date kami ni Kenkoy II kanina. Usual date namin sa Orchard :)

Pagka-sundo ko sa kanya sa school ay dumiretso na kami sa Orchard. Nag-lunch kami sa McDo. Tumuloy kami sa ION para sa aking Happy Lemon (hehe).

Pagkatapos ay pumunta kami sa Takashimaya para bumili ng nipples ng bottles nya. Sira na kasi lahat ng nipples. Ayaw pa i-give up ang milk bottles nya, hayyy! Ayoko na rin pilitin. Ayokong ma-stress. Hayaan ko na lang kusang umayaw. Parang si Kenkoy nun, kusa lang din umayaw pero 5yo na, hehe! 4yo na si Kenkoy II... sana naman next year ay uminom na sya ng milk sa glass. Hindi ko na mahanap yung brand ng bottles nya. Wala na siguro kasi mga kilalang brands na lang ang nasa market. Humanap na lang ako ng ibang brand. Buti saktong pwede sa bottles nya. Mga $7 para sa 6 nipples.

At shempre pa ang last stop namin ay sa indoor playground ng Paragon Mall. At pagtapos maglaro akyat ng isang floor para sa Toys 'R Us. Nag-improve na ang EQ ni Kenkoy II. Pag ang usapan ay pwedeng pumasok sa toy store pero hindi bibili ng kahit anong laruan, natutupad na nya yun. Yipeeee! Dati kahit nag-ok sya sa kasunduan eh talagang magpapabili pa rin. Paiyakan bago mailabas ng toy store. Buti ngayon ay laru-laro lang sya dun pero di naman kami talaga bibili :P

Ganyan lang ang usual routine ng date namin pero masaya pa rin. Excited pa rin akong makipag-date sa dalawang Kenkoy :)


No comments: