2nd day. Swimming at jacuzzi sa umaga. Ang sarap sa jacuzzi. Ang warm ng water at nakaka-relax sa likod. Sarap matulog sana.
Ito ang view mula sa pool area...
Ito ang Hello Kitty Land & Little Big Club aka Peturi Harbour Family Theme Park. Mga 5 minute walk lang mula sa Traders Hotel.
Shempre pa, para masulit ang Legoland annual passes ay bumalik kami sa Legoland bago umuwi ng S'pore. Crowded na ang park. Public holiday kasi. Grabe, 30-40 mins ang queue per ride. Sayang sa oras tapos saglit lang ang ride. Buti na lang ay nakaraming rides kami kahapon. Binalikan lang namin yung mga hindi namin nagawa kahapon.
At bumalik din kami sa Pancake House. Ito ang order namin. Ang sarap. Sobrang na-enjoy ko ang food.
Nakakatuwa ang 2D/1N Malaysia getaway namin. Wonderful memories. Good vibes. Thank You, Lord!





No comments:
Post a Comment