mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Wednesday, February 25, 2009
Healed
At may isa pang bonus si Bro. Kanina may natanggap akong cheke mula sa hospital. Binabalik nila yung binayad namin noong na-confine ako dahil sa infection. Di namin ito inaasahan. Malaking bagay yung cheke para sa amin. Actually, nung na-confine ako nasa isip ko na na di dapat kami magbayad. Feeling ko kasi pagkapanganak ko ay na-discharge ako na may infection na. Ang sakit kasi talaga. Di ako maka-upo sa sakit. Hirap na hirap din akong bumangon dahil sa sakit. Akala ko naman dahil sa hemorrhoids. Yung tahi ko pala ang sumasakit. Kaso feeling ko lang yun... hindi ako sigurado. At saka baka may mali din akong nagawa kaya nagka-infection ako.
Pero eto nga at may refund kaming nakuha kahit di kami nag-request ng refund sa hospital. Wala ring explanation kung bakit may refund. Baka dahil may infection na nga ako pagkapanganak. O baka ganun talaga pag within a week eh nagkasakit agad na related sa panganganak. Di ko talaga alam kung bakit may refund. Nakuha siguro sa dasal, hehe! Naalala ko nun umiiyak ako sa hospital dahil di ko maalagaan ang pamilya ko. Hinang hina ako sa panganganak. Na-miss ko bigla si Kenkoy. Pumapasok sya sa school pero hindi ako ang nag-aasikaso sa kanya. Na-miss ko syang alagaan. Si Kenkoy II di ko rin maalagaan ng ayos. Hindi sapat ang lakas ko. Tapos dagdag worries pa na ang daming gastusin dahil sabay sabay kaming nagkasakit. Muli, si Lord ang takbuhan. Ang resulta: wala kaming nilabas na cash sa pagkaka-confine namin ni Kenkoy II. Mula sa panganganak hanggang sa jaundice ni Kenkoy II at sa infection ko. Lahat nabawas sa Medisave ni Labs. Sobra sobra pa ang Medisave ni Labs. At ngayon nga ay may refund pa. Ang galing talaga ni Lord. Good Provider talaga :)
Thank You Lord :)
Tuesday, February 24, 2009
Busy
First day ko ngayon na walang katuwang sa pag-aalaga sa dalawang bata at sa mga gawaing bahay. Toxic... grabe! 24/7 hands-on mommy duties... sleep-deprived... at gabi na di pa ako nakakapag-shower, wahhhh. Pag pupunta na kasi ako sa bathroom biglang magigising naman si Kenkoy II eh wala namang ibang mag-aalaga dahil OT si Labs. Bukas nga magsho-shower na ako bago pa pumasok si Labs sa work.
Nakakapagod. Lord, more strength & patience nga po *wink*
Monday, February 23, 2009
Baby Passport
Pagkagaling sa school ay pinakita ko ang passport kay Kenkoy. Masaya si Kenkoy tapos pinakita nya kay Kenkoy II. Sabi ni Labs "Look at the name." Pagkabasa eh saka lang na-realize ni Kenkoy na sa kanya pala ang passport. Ang akala nya kay Kenkoy II. Magkamukha daw sila. Pinakita ko rin ang passport sa flatmate namin. Sabi ko hulaan nya kung sino yung nasa picture. Sagot nya "Shempre si Kenkoy II." Nyahaha! Sabi ko naman "Si Kenkoy yan." Pagkakita nya sa name ay kay Kenkoy nga. Magkamukha daw. I therefore conclude (hwehehe)... at tama si Labs... na magkamukha nga si Kenkoy at Kenkoy II.
Wednesday, February 11, 2009
Kenkoy II's 1st Month
1 month old na si Kenkoy II. 5 kg na sya. 2 kg ang ibinigat nya mula ng ipinanganak. Biglang hindi na agad sya mukhang newborn baby. Ang lakas dumede. Pang 3-6 months na ang naco-consume nyang milk. Hirap akong maka-adjust sa sked nya dahil every hour gising para dumede. Sakit sa ulo dahil putol putol tuloy ang tulog ko. At malapit na bumalik sa Pinas ang mommy ko. Goodluck na lang sa akin kung paano ako makaka-adjust agad.
Ilang pictures uploaded po sa Friendster account ni Lit Coo. Salamat.
Sunday, February 08, 2009
Bungi ulit
Saturday, January 31, 2009
Kenkoy II's Baptism
Christian na si Kenkoy II :)
21 days old si Kenkoy II ng mabinyagan kanina (younger si Kenkoy noong nabinyagan... 19 days old naman si Kenkoy sa binyag nya). Wala ring kasabay sa binyag si Kenkoy II gaya ng Kuya nya. Happy ako dahil ang ganda ng ceremony. Sayang lang hindi kami nakapag-hire ng professional photographer. Kaunti lang tuloy ang pictures na scrapbook material :( Sayang... kung pwede sanang ako na lang ang kumuha ng pics kaso hindi pwede dahil kailangan ako sa ceremony.
Simpleng selebrasyon ang naganap. Dalawang Ninong ang nakadalo, ang pamilya nila, pamilya namin at isang family friend.
6 ang godparents ni Kenkoy II. Ninang ang tatlong younger sisters ko (na nasa Pinas lahat). Ninong naman ang isang College org mate namin ni Labs, ang isa sa mga ka-tropa namin noong College (na US based) at isang ka-choir ni Labs. Kaya bale dalawang Ninong lang ang present sa binyag.
Birthday din pala ni Labs ngayon kaya double celebration.
Ilang pictures uploaded po sa Friendster account ni Lit Coo.
Monday, January 26, 2009
Birthing Story
Magkaibang-magkaiba ang experience ko kay Kenkoy at kay Kenkoy II. Kung paanong walang kahirap-hirap kay Kenkoy ay sya namang hirap kay Kenkoy II. There's really power in our words. Nabanggit/naisip ko dati na mukhang ngayon ako makakaranas ng hirap sa panganganak. Nangyari nga, wahhhhh!
Ok eto na po ang kwento...
1 am -- Pagkatapos namin manood ni Labs ng Dr. House, pag-CR ko ay napansin kong may dugo na sa pantyliner ko. Pero wala pang contraction o kung meron man ay kaya ko pa. Dali-daling hinanda ko ang bag namin ni Kenkoy II kasi hindi pa naka-ready. Nag-shower na rin ako. Tapos antay-antay sa contractions. Tolerable pa rin ang pain.
4 am -- Ginising ko na si Labs. Sabi ko mag-shower na sya kasi baka anytime pumunta na kami sa hospital. Tolerable pa rin ang pain kaya sabi ko matulog na lang ulit sya.
Nakapag-breakfast at lunch na kami eh wala pa rin ang regular contractions na inaantay ko. Gusto ko sana antayin ang matinding contractions bago pumunta ng hospital kaso naiisip ko sabi ng OB punta daw ako sa hospital pag may bleeding. At di ko rin alam kung ok pa ang amniotic fluid ko. Baka matagal na pala akong nagli-leak eh di ko alam. Pumunta na rin kami sa hospital kahit kaya ko pa ang contractions.
2 pm to 3 pm -- Sabi ng nurse ay 30 mins daw imo-monitor heartbeat ni Kenkoy II at ang contractions ko. Antay naman ako. Wala akong suot na relo kaya di ko maorasan pero parang ang tagal naman kako ng 30 mins. Pagbalik ng nurse, nag-sorry. Nalimutan ata ako (hehe). 1 hour na pala ako dun kaya pala parang ang tagal tagal. Dumating na ang isang OB, pag-IE sa akin 3 cm na daw ako. Pwede na daw ako manganak that day kung gusto ko raw. Kala ko naman saglit na lang na parang kay Kenkoy na 2 hrs pagka-admit ay nanganak na ako. Eh di sabi ko ok, sige. 4 pm -- Na-admit na ako. Pinatuloy kami sa delivery suite. Ang ganda. Parang ang sosi, hehe! Hindi kasi ako nag-tanong tanong bago manganak kaya dun ko lang din nalaman na pwede pala ang asawa sa loob ng delivery suite. At ang wedding ring pwede palang suot. Iniwan ko pa naman sa bahay kasi baka kako mawala pag pinatanggal sa akin. Nung nanganak kasi ako kay Kenkoy ay pinatanggal wedding ring at eyeglasses ko.
5 pm -- Pinutok na nila ang water bag ko. Susme! Ang daming tubig pala nun. Di ko rin alam kasi di ko na-experience kay Kenkoy yun.
5 pm to 8 pm -- Eto na ang sobrang sakit at hirap. Nagsimula na ang contractions. Parang every 5 mins for 3 hours may contractions. At ang sakit. Di ganun kasakit nung kay Kenkoy. Siguro pagod lang din talaga ko at saka puyat (although nakatulog naman ako pero pagising gising) dahil inaabangan ko ang contractions ko mula pa ala-una ng madaling araw. Nandun lang ako sa bed. Di ako pwede tumayo kasi naka-monitor na heartbeat ni Kenkoy II at ang contractions ko. Katabi ko si Labs pero naka-online at ka-chat ang bestfriend nya. Oh di ba? Hehe! Di naman daw kasi nya alam na hirap na hirap na ako. Akala daw nya ay wala lang sa akin kasi di naman daw ako mukhang nahihirapan. Tahimik lang kasi ako. Di ako yung tipong sumisigaw habang nagla-labor. Di alam ni Labs ay namimilipit na ako sa sakit for 3 hours.
8 pm -- pag-IE sa akin 4 cm na daw. Kamusta naman yun at 1 cm lang ang progress ko sa loob ng 3 hrs. Wahhhhh! Sobrang sakit at hinang-hina na ako kaya nag-request na ako ng epidural.
8 pm to 11 pm -- tumalab na ang epidural. Talagang painless nga. Pambihira! Sana pala maaga akong nag-request ng epidural. Nasayang lang ang lakas ko.
11 pm -- 10 cm na daw ako. Ang bilis. Sa loob din ng 3 hours ay naka-6 cm ang progress ko. Tinuruan na ako mag-push. Buti kasama ko si Labs dahil tinuruan nya ako mag-push. Mino-monitor ng nurse ang contractions ko para masabi nya sa akin kung kelan ako magpu-push. Naka-sampung push din ata ako.
11:22 pm -- lumabas na si Kenkoy II :) Pagkakita ko kay Kenkoy II ay masayang-masaya ako. Ang gwapo! Dininig ng Diyos ang mga panalangin para kay Kenkoy II :)
Tapos nakita ko ang cord. Ang haba. Pinutol nila tapos kinuhanan ng dugo. Nilinis si Kenkoy II, sukat-sukat at kaunting check-up. Pagtapos malinis si Kenkoy II ay saka inabot sa akin.
Sabi sa akin ng mga medical practitioners ay ang bilis ko daw manganak. Mas mabilis daw talaga pag 2nd baby na. Di ko masabi anong mabilis eh 4 pm pa ko dito sa delivery suite. Inabot ako ng 7 1/2 hours bago nakapanganak. Samantalang sa panganay ko ay 2 hours pagka-admit ay nanganak na ako. Naiisip ko tuloy kung ano kaya kung di muna ko nagpa-admit. Baka kasi hindi pa talaga oras para lumabas si Kenkoy II kaya mahirap at masakit ang labor hindi gaya sa Kuya nya na walang kahirap-hirap ng lumabas.
Grabe lang talaga ang sakit at hirap! Parang ngayon pa lang ako nanganak, hwehehe! Ngayon ko na-experience ang lahat.
Ganunpaman, sobrang ligaya ko dahil nakayanan ko ulit ang normal delivery. Sobrang ligaya ko rin dahil normal & healthy si Kenkoy II. Mabait talaga ang Diyos. Nakikinig Sya sa atin. Kailangan lang nating magtiwala sa Kanya. Sabi nga sa akin ng tito kong pari nung malaman nya na nakapanganak na ako... at nung malaman nyang normal & healthy si Kenkoy II -- "Certainly God has given us more positive signs to keep on with our hope and faith." Wahhhhh! Nakaka-iyak. Madalas pag tinititigan ko si Kenkoy II ay naiiyak ako. Naaalala ko lahat ng pinagdaanan naming mag-ina, pinagdaanan ng pamilya namin habang nasa loob sya. Survivor si Kenkoy II :) At naiiyak ako sa tuwa dahil ramdam na ramdam ko kung gaano sya kamahal ni Lord. Dininig ni Lord ang mga panalangin natin. Di Niya pinabayaan si Kenkoy II. Maraming maraming salamat talaga sa Diyos. At ganundin sa inyong lahat na nagdasal para kay Kenkoy II.
Friday, January 23, 2009
Yipeeee!!!
Thursday, January 22, 2009
Sick Family
Si Kenkoy nagka-sore eyes noong 31 Dec. Umabot ng halos 2 weeks bago gumaling. Ang tagal tuloy nyang absent sa school. 12 Jan na sya nakapasok. Pero buti at nakakasabay naman sya sa klase nya ngayon. At nage-enjoy daw sya sa school.
Si Labs naman ang sumunod na nahawa sa sore eyes. Almost 2 weeks na din. Pagaling na sya. Nag-vacation leave sya dahil nanganak ako tapos tuloy sick leave na. Di daw nya talaga kaya kasi wala halos syang makita. Kaya ang tagal ng bakasyon nya kasi after Chinese New Year pa sya babalik sa office.
Mommy ko naman ang pangatlong nagka-sore eyes. Sana gumaling agad sya.
Si Kenkoy II naman ay nagka-jaundice. 5th day nya ay bumalik kami sa hospital. Na-admit sya for phototherapy. 2 days din sya sa hospital. Ngayon mino-monitor pa rin ang bilirubin level nya. Sana mag-ok na rin sya.
Ako naman ay nagka-infection, hemorrhoids at diarrhea. Same with Kenkoy II, na-admit din ako. Sabay kaming bumalik sa hospital noong 15 Jan tapos na-discharge kami noong 17 Jan.
Eto na rin ang dahilan kaya hanggang ngayon wala pa kaming family picture with Kenkoy II. Bihira kami magkasakit pero sabay sabay naman. Sabi nga ni Kenkoy iba na raw family name namin... hindi na raw kami *real surname* Family... Sick Family na daw kami. Hehe! Ok din ang sense of humour nitong anak ko.
Hayyyy! Pero sana talaga gumaling na kaming lahat. Muli, pakisama naman po kami sa inyong mga dalangin. Maraming maraming salamat.
Wednesday, January 14, 2009
Nandito na si Aaron
Tuesday, January 06, 2009
Sa nalalapit na pagdating ni Aaron
Sunday, January 04, 2009
:(
Sensya na po bagong taon na bagong taon ay nega ang posting ko.
Friday, January 02, 2009
First Day of School
Wrong timing. Kung kelan pasukan na saka naman nagkasakit :(
Sana gumaling na si Kenkoy.
Tuesday, December 16, 2008
Extraordinary Smile

Journaling:
Kenkoy, on the 7th day of our 10-day holiday in the Phils., we visited your Amah in her toy store. Then we had snack at Jollibee with your Tita Cathy. Surprisingly we saw a spectacular formation in the sky on our way to your Amah's home. The sky smiled at us. But what's more surprising is that it wasn't two stars & the moon. We found out on the evening news that it was Jupiter, Venus & the moon.
01 Dec 2008
Wednesday, December 10, 2008
Preparation for Aaron's Arrival
Nakakadagdag excitement habang naglalaba ako at nagsasampay kanina. Ang cu-cute din ng mga damit. Ang liliit kasi ng damit ;)
Ay, pero, check-up ko nga pala kahapon. 2.5 kg ang ibinigat ko in 3 weeks. Shocks! 1.5 kg per month ang target ko sa last 2 months ko eh naka-2.5 kg na agad ako sa 3 wks pa lang. Yaiks! Sana kaya ko pa ring i-normal delivery si Aaron. Kailangan kong i-monitor ulit ng maigi ang kinakain ko. After 2 wks, check-up ko ulit. Sana tama lang ang ma-gain kong timbang.