Nabanggit ko kay Kenkoy na magkaka-Universal Studios na sa Sentosa at pupunta kami dun pag 8 yrs old na sya.
Kahapon...
Lit Coo: Take a bath now.
Kenkoy: Why? Where are we going?
Lit Coo: We are going to Sentosa.
Kenkoy: Huh? But I'm still 4 yrs old.
Natatandaan talaga mga sinasabi ko ;) Pero di kami natuloy sa Sentosa kasi hindi maganda ang panahon. Dun sana kami magpho-photo shoot.
Sa Vivo City at sa may bandang Parliament kami nag-kodakan. Masaya naman. Restricted nga lang ang options kasi weekdays lang kami pwede. Weekends kasi may pasok ako. Si Master naman may pasok pag weekdays kaya gabi lang ang match na sked. Tapos nagkataon di maganda ang panahon kagabi. Pero di bale enjoy pa rin naman kami sa shoot :)
At buti na lang pala natuloy ang photo shoot namin. Pag-uwi namin kagabi sabi ng boss ni Labs may business trip na naman daw si Labs next week. Wag lang sya aabutin ng Pasko dun kundi wahhhhhhhhhhh!!!
No comments:
Post a Comment