Story#1
Napag-usapan namin ni Kenkoy ang pagiging kayumanggi nya.
Lit Coo: Kenkoy, your skin color is brown.
Kenkoy: I'm not brown.
Lit Coo: You are brown.
Kenkoy: I'm not. I'm beige.
Hwehehe! Promise, natawa ko dun :P Ayaw talaga pumayag na kayumanggi sya. Feeling ni Kenkoy fair skin sya kasi karamihan ng classmates nya ay mas maitim sa kanya. Pag-uwi namin sa Feb at magre-reunion sa side nina Labs... mao-obvious ulit ang pagiging kayumanggi ni Kenkoy. Ang puputi kasi ng angkan ni Labs.
Story#2
Sa Lucky Plaza
May isang maputing Pinay ang balak bumili ng whitening soap. $10 ata yung napili nyang sabon. Nagdadalawang isip pero binili rin nya sabay sabi sa tindera ng "Pag ako di pumuti dyan ha."
Labs: May sasabihin ako sa 'yo.
Lit Coo: Ano?
Labs: Ang puti-puti na. Ano pa kayang gusto nun?
Lit Coo: Baka sakit na yun. Tingin nya sa sarili nya maitim sya.
May mga virginity soap (virgin soap?) din na tinda sa Lucky Plaza. Sabi ko kay Labs baka naman pag bumili sya ng virginity soap eh sabihin nya rin sa tindera na "Pag ako di naging virgin dyan ha."
Tamang kulit lang po, hehe!
*****
Linawin ko lang na wala pong kaso ang skin color sa aming pamilya. Wala po kaming preferred skin color. Napag-kwentuhan lang po ;)
No comments:
Post a Comment