Balik ulit ako sa office kagabi pagtapos ng 2 weeks na bakasyon. Mga bandang alas-onse nag-ring ang handphone ko. Si Kenkoy nasa kabilang linya... umiiyak... sabay sabi ng "I miss you Mama." Awwwwwwwwwwww! Gusto ko na ata mag-resign :P Sabi ko na lang sa kanya na matulog na at magkikita kami kinaumagahan.
Pag-uwi ko. Tuwang-tuwa sya.
Kenkoy: Mama, stop working.
Lit Coo: Who will work?
Kenkoy: Only Papa.
Labs: *nakapikit pa... ayaw pa bumangon sa kama pero biglang napadilat ng marinig ang sinabi ni Kenkoy*
Ah hehehe! Tawang-tawa ko sa reaction ni Labs. Kitang-kita ko ang pagkakadilat nya kay Kenkoy, hehe!
No comments:
Post a Comment