Saturday, March 05, 2011

Bad Dream

Hindi maganda ang panaginip ko.

Nagkakamali-mali daw ang mga kamag-anak ko sa pangalan ni Kenkoy at Kenkoy II. Magkatunog kasi. Nag-react naman ang Kuya ko. Sabi daw "Bakit kasi ganyan? Palitan nyo nga pangalan."

Na-highblood ako bigla sa comment. Sensitive ako sa pangalan ng 2 boys namin. Kung ayaw ng iba. Kami, gustong-gusto namin yun. At salamat naman sa Diyos dahil love din ng boys namin ang names na napili namin for them.

Mabalik sa kwento. Na-highblood nga ako. Sumagot naman daw ako ng "BAKIT NAKIKI-ALAM BA AKO SA PANGALAN NG MGA ANAK MO?" Tapos di ko na pinansin. Nung pauwi na sya sa bahay nila, sabi ko daw ay "WAG KA NANG BABALIK DITO (sa bahay ng Mommy namin)." Tapos iniisip ko na raw na hindi na kami uuwi sa Pinas ng ilang taon.

Katakot naman. Akala ko totoo. Buti panaginip lang ang lahat.


2 comments:

kat said...

roslyn, nakakatakot ka pala magalit! hehe...:) Ako aliw ako sa name ng mga boys mo, lalo na yung kay Ayrand, unique na unique.:)

Lit Coo said...

ay naku, ganyan ang bad side ko. mukha lang akong hindi sumisigaw pero sa totoong buhay sumisigaw ako :(

yan nga din ang comment ni labs. mangyayari daw yung panaginip ko kung hindi ako magbabago. kung ano kasi naisip/naramdaman ko ay sinasabi ko agad. i really need to tame my tongue. aminado naman ako dun.

salamat nagustuhan mo name ng 2 boys namin. pareho tayo ng pattern sa boys natin... initials same sa daddy :) akala nga ni kenkoy ganun ang naming rule sa pinas, haha! yung 1st cousin nya kasi sa father side, same initial din sa uncle nya.