Wednesday, March 02, 2011

On Material Things

Ngayong nagkaka-edad na ako marami na sa mga kaibigan ko ang umaasenso sa buhay. Pag yumayaman pala nag-iiba na rin ang ugali. O ako ang nag-iiba? Napansin ko lang kasi na dumidistansya ako sa mayayaman. Kung may mga taong social climber, kabaligtaran naman ako. Hindi ako komportable sa kasosyalan sa buhay. Pero depende rin naman. May mga kaibigan pa rin akong mayaman na tinuturing ko pa ring kaibigan. Sila yung simple pa rin kahit mayaman na. Sila yung hindi pinangangalandakan ang kayamanan. Sila yung hindi material things ang pinahahalagahan sa buhay.

Sana lang ang mga anak ko ay makita nila ang kaligayahan sa mga simpleng bagay sa mundo. Sana makita nila at pahalagahan ang mga dapat pahalagahan gaya ng pamilya, kaibigan, relasyon sa Diyos kesa sa mga damit, sapatos, alahas, kotse, at kung anu-ano pa.


4 comments:

CATHEE said...

Lit Coo,

Parehas tayo ng damdamin...

Ako din ganyan...minsan sumasagi sa isip ko kung ako ba ang napag-iiwanan o talagang sinadya kong humilis ng landas at mapunta sa buhay na salat sa karangyaan ngunit busog naman sa pagmamahal at kapayapaan...

Ito ang rason kung bakit "allergic" ako sa mga school reunion...Pakiramdam ko kasi ay malayong-malayo ako sa karamihan ng mga batchmates ko na milya-milya na ang naabot sa tagumpay at yaman...

Nanggaling na ako sa buhay na may yaman at natuklasan kong hindi yaon ang tunay na magbibigay ng kaligayahan kundi ang relasyon sa Diyos, sa pamilya at mga kaibigan.

Harinawa nga, yan ang aral na maipamana ko sa aking mga anak...na bigyang halaga ang tunay na kahuluguhan na buhay

Lit Coo said...

Hi Cathee,

Medyo parehas nga tayo :)

Alam mo minsan ayoko nang nagtatagal sa Manila kasi ramdam na ramdam ko ang materialism. Parang ang brand conscious ng mga tao. Dito parang ok lang kahit ano isuot mo o kahit anong gamit. Sa Manila nakakarinig ako ng "Kawawa naman ang anak mo. Bilhan mo naman." Parang "Hello! Anong kawawa dun eh meron naman sya ng lahat ng kailangan nya sa buhay. Walang luho pero yung basic needs meron."

Sana nga mamana ng mga anak natin ang values natin.

ps
Ayoko ring nagpupunta sa reunions. Last reunion namin, susme, puro chismisan. Pinag-uusapan yung mga absent. Ayoko ng ganung usapan eh.

Unknown said...

dapat attend ka reunion Roslyn, kasi since absent ka ikaw paguusapan! hahaha.

Ako naman di na-attend ng reunion kasi di naman lahat gusto ko makita dun. Onti lang friends ko dati at un lang gusto ko makita. =p

as for the yumaman na mga friends, wag ka lumayo. ang hindi lang dapat gawin ay ang makipagsabayan. kasi hindi naman nila kasalanan na yumaman e. (well, unless yumaman ng dahil sa droga) I mean kung pinaghirapan nila yun, bakit magiging cause yun ng pagka loss nila ng kaibigan. Di ba pag meron ka success, gusto mo i-share sa mga kaibigan mo. E kung lahat ng kaibigan tulad mo na since yumaman lang e lumayo na, kawawa naman sila dahil para silang pinapipili between success or friendship. dapat ang pagiging kaibigan walang pinipili, mayaman, mahirap, pangit, maganda.. just imagine yung mga friends mo na mas lower ang inabot dahil sayo, ang sakit isipin na ayaw ka na nila maging friend di ba dahil lang nakapag Singapore ka na.

Lit Coo said...

Sino si Roslyn? Bwahaha!

Kung mababasa mo ulit yung blog entry hindi naman dahil "lang" sa mayaman sila kaya ako lumalayo sa kanila. Gaya nang naisulat ko... "Pero depende rin naman. May mga kaibigan pa rin akong mayaman na tinuturing ko pa ring kaibigan. Sila yung simple pa rin kahit mayaman na. Sila yung hindi pinangangalandakan ang kayamanan. Sila yung hindi material things ang pinahahalagahan sa buhay."

In conclusion, lumalayo ako sa mayayamang mahangin at sa mga taong parang umiikot lang ang mundo nila sa mga materyal na bagay.

Pero sa mga mayayamang simple lang, aprub sila sa akin. At walang kaso kait yumaman pa sila ng bonggang-bongga. Hehehe!