Nasa labas kami kanina. Nakikita ng maraming ibon si Kenkoy II. Sabi ko, "birds". Ginaya naman ni Kenkoy II, "birds" daw. Tapos sabi ko matutuwa sigurado si Kenkoy II kung ipapasyal namin sya sa S'pore Birdpark. Tapos biglang nag-litanya si Kenkoy -- Birdpark, Sentosa, S'pore Zoo, Universal Studios, Phuket, etc sabay sabing "Thank you for the nice memories Mama."
Awwww! Bilang isang nanay marami akong alinlangan. Marami ring kinatatakutan. Na baka hindi tama ang pagpapalaki ko/namin sa mga bata. Ang makarinig ng ganun mula pa mismo sa aking anak ay napakalaking affirmation na tama naman (so far) ang pag-aaruga namin sa kanila. Mangiyak-ngiyak ako. Sobrang sulit ang hirap at pagod sa loob ng 9 years. Hindi sa nanunumbat. Sinasabi ko lang na mahirap talaga, nakakapagod at napakalaking responsibilidad ang maging fulltime hands-on mommy. Pero sa mga ganitong pagkakataong ay overwhelming ang saya. Tapos kanina habang pinapatulog ko naman si Kenkoy II ay panay ang kiss nya sa akin sa lips at panay haplos sa hair ko. Para akong isang Ulirang Ina awardee. Haha!
Maraming salamat sa Diyos sa malalambing na anak :)
No comments:
Post a Comment