Saturday, May 26, 2012

Homeschooling Time

Bakasyon na. Hindi ko kailangang gumising ng maaga for 1 month, yayyy! Pero less ME time dahil homeschooling time, uh-oh! Kailangan mag-prepare ng activities na pagkaka-abalahan ng dalawang Kenkoy. Less time na sila sa iPad games lalu na si Kenkoy. Mas maraming mas importanteng bagay na pwedeng magawa kesa sa maglaro ng iPad. Nakakapagod ito for sure pero excited na ako sa matututunan nila sa akin/amin ni Labs starting today.

Sa panimula, sinamahan at tinuruan ko si Kenkoy during his piano time.

Nung hapon na, nag-color color naman si Kenkoy II habang sinasagutan ni Kenkoy ang Math homework nya.

Nung gabi na, bago matulog, time naman ni Labs para turuan si Kenkoy na techniques sa Math.

Mas masaya din naman. Mas maraming time na makapag-usap-usap ang pamilya. More bonding time. Less iPad time for the boys and less FB time for me.

Goodluck sa amin, haha!

*****
Pass muna kami sa lakwatsa this June school holidays. Darating kasi ang youngest sister ko sa Sept school holidays. Saka na lang kami mamasyal ng mga bata kasama ang paborito kong kapatid. Excited na ako. Sana Sept na. haha!



No comments: