Friday, May 25, 2012

Love Languages

Parent-Teacher meeting kanina. Disappointed ako sa isang grade ni Kenkoy. Di ko inaasahan yun. Hirap talaga magturo. Kung ano ang weakness ng teacher, dun na din malamang ang weakness ng student. Kaya ang waterloo ko, waterloo na rin ni Kenkoy. Hayyyy! Pero kung ano naman ang strengths ko, dun din sya magaling... at mas magaling sya sa akin :)

Pero ok na rin may PTC meeting. Wake-up call for me na kailangang matutukan si Kenkoy. Medyo maraming changes na mangyayari. Less free time for me dahil tututukan ko na si Kenkoy sa English, Math, Science & piano time nya.

Need naming ma-improve ang speed ni Kenkoy sa Math. May logic sya. Walang problema sa logic. Kayang-kaya nya mga word problems nila. Ang na-overlook ko ay ang speed. Hindi ko naisip ito. Ok naman ang Math grades nya kaya lang last semestral exams nya lang bago ko napansin na nagii-struggle sya sumagot sa given time. Nag-focus lang ako sa dapat tama ang sagot nya. Di ko sya inoorasan. Thankful naman ako kay Labs dahil tutulungan nya ako sa part na ito. Mas mabilis kasi sya sa akin mag-compute so sya na bahala magturo kay Kenkoy ng mga techniques na alam nya. Thank God for smart hubbies! Hehe!

Medyo magkaka-sked na rin ng activities. Reading time, Math drills, piano. Sinabi ko naman kay Kenkoy na hindi ito parusa sa kanya. Kailangan lang kakong itama ang direksyon para magka-disiplina sa pag-aaral. Ok naman daw. Naiintindihan daw nya.

At dahil maraming big changes na mangyayari eh naisip kong alamin ang love language ni Kenkoy para ma-reassure ko/namin sa kanya na mahal na mahal namin sya. Happy ako sa family discussion namin kaninang lunch time. Tagal din naming nag-lunch at ang ganda ng discussion. Sana nga ganun lagi ang usapan namin, hehe! Binigyan ko si Kenkoy ng idea tungkol sa love languages. Kung saan kako nya mas feel na mahal sya. Eto ang sagot nya...

Gifts
Quality Time
Physical Touch
Words of Affirmation
Acts of Service

Pero para kay Labs, eto daw ang ranking ni Kenkoy...

Quality Time
Gifts
Physical Touch
Words of Affirmation
Acts of Service

At talagang inemphasize nya ang Quality Time na unang-una sa list. Hehe! Medyo nakaka-ano lang (ano? ano? haha) kasi nung topic na namin ang fondest memories eh puro memories nila ni Labs ang naalala. Kamusta naman yun? Wahhhh! Eh kasi daw ako yung memories nya sa akin lagi kasama whole family. Hayyy, mag-working mom na nga lang ako. Haha! Mas may impact pala yung pa-minsan minsan ka nakakasama kesa sa araw-araw at halos minu-minuto kayong magkasama.

Anyway, para kay Labs, eto daw ang ranking ng Love Languages nya...
Acts of Service (kahirap naman neto, Labs! wahhhh)
Quality Time
Words of Affirmation
Physical Touch
Gifts

At sa akin, eto naman...
Quality Time
Words of Affirmation
Physical Touch
Acts of Service
Gifts

Ang ganda ng usapan namin ano? Thank You, Lord, for this day!


No comments: