Di ko pa pala ito na-share. Grabe ang nangyari dito. Tragic talaga. Ang bilis ng pangyayari. Isang kisapmata lang.
BABALA: Wag panoorin ng mahihina ang loob.
Tragic Accident In Singapore (Ferrari/Taxi) With Post Accident Pix
Preggy daw sa 2nd child nila ang wife nung Ferrari driver na pumanaw. Naalala ko lang ang Daddy ko. Same halos. Car accident din. Dead-on-the-spot din. Preggy din si Mommy sa akin. 2nd child din ako. Yun nga lang hindi kami mayaman at hindi Ferrari ang kotse na gamit ni Daddy :P Naalala ko lang bigla si Daddy sa news na ito. Hayyyy! Sumalangit nawa ang mga kaluluwa ng mga pumanaw sa aksidenteng ito.
Makalipas ang ilang araw, may aksidente ulit sa same site. Accident-prone area pala talaga ito. Nakakatakot namang dumaan sa lugar na ito. Lasing din ang driver. Buti na lang walang pumanaw.
Four-car accident at Rochor Ferrari crash site
At dahil sa video tungkol sa Ferrari accident ay saka ko lang nalaman na may CCTV camera pala ang mga taxis dito. Ang alam ko lang ang mga public bus ay may CCTV camera. Pati pala taxis. Naku, dapat palang mag-ingat sa kwentuhan sa taxi. Recorded pala yun :P
No comments:
Post a Comment