Medyo nalulungkot naman ako. Nakikita ko kasi yung skills ni Kenkoy II ay pang-gymnastics. Kaya lang sabi ni hubby nakaka-stop daw ng growth kasi parang nagwe-weights na rin. Nag-Google ako at may mga research studies nga na ganun. Genetically predisposed to be short in stature pa naman ang mga kids ko :( Sana lang tumangkad sila kahit na ka-height man lang ni Labs.
Yun nga, nalulungkot ako. Ano kayang sports ang pwedeng alternative for Kenkoy II? Malakas sya eh at full of energy. Hindi dahil sa nanay nya ako pero nasasabi ko talagang kahit papaano pwede sya sa sports. Sa aming apat sa pamilya, sya lang ang sporty ang character. Gusto ko sana masuportahan ang kakayahan nya at ma-reach nya ang full potentials nya.
No comments:
Post a Comment