Friday, July 20, 2012

Staff Appreciation Night

Balik tanaw: Universal Studios Tickets



Weeeeeee! Ang saya-saya. Sobrang enjoy. Ang sarap ng exclusive ang buong theme park. Para ring halos naka-express pass. Mabilis lang ang waiting time sa bawat ride.

First time kong nasakyan ang Transformers Ride. Sa sobrang enjoy, inulit ko. Haha! Naka-2 rides ako sa Tranformers. Sakay ulit ng Crate Adventure & Merry-Go-Round para kay Kenkoy at Kenkoy II. At first time ko rin sa Jurassic Park Rapids Adventure. Pinaka-matagal ang pila sa Rapids Adventure tapos parang di sulit. Siguro kasi gabi kaya di masyadong kita ang view. Nag-raincoat pa ko pero basa rin, haha! Sa Transformers Ride naman, ang haba din ng ipinila ko pero sulit naman. Ang ganda ng ride. Yun lang, nagkamali ako, iba pala pila pag single rider. Mas napabilis sana ako. Hayyyy! Mag-isa lang kasi ako sumakay nung una pero yung 2nd na, kasama ko na si Kenkoy.

Si Labs, twice din sa Transformers. Isa sa Lights, Camera, Action at isa sa Shrek 4D.

Si Kenkoy naman ay Crate Adventure, Merry-Go-Round, Shrek4D, Jurassic Park Rapids Adventure and twice din sa Transformers Ride.

Si Kenkoy II ay Crate Adventure, Merry-Go-Round and Shrek4D.

Si Kenkoy pa pala ang may pinaka-maraming nasakyan. LOL. Mas enjoy pa ang buong gabi kasi kasama namin ang isang kaibigan. Wala pa palang bayad kasi si Kenkoy II eh 4 ang tickets namin. Nag-imbita kami ng kaibigan para di masayang ang ticket.

Umambon pero ok din naman. Sakto lang kasi nag-dinner muna kami. Pagtapos namin kumain wala ng ambon :)

***SPOILER ALERT***
Fave ride ko ang Transformers. Ang sarap ng feeling na parang lumilipad ka rin at kasama sa battle. Pati yung part na pabagsak sabay sinalo ni Bumblebee. Ang galing. Thumbs up!



Ang saya-saya. Pang-4th time ko na ata ito sa Universal Studios pero masaya pa rin. Parang isa ito sa enjoy na trip kasi sulit na sulit yung 4 hrs. Nasakyan ko/namin lahat ng gusto naming sakyan.

Thank You po, Lord. Thank you sa company ni Labs. Sa uulitin po. Haha! Ang sarap ng halos libre ang pang-bonding moments ng pamilya :)


No comments: