Sunday, July 01, 2012

Impulse Buy

Hmmmm... hulaan ang laman?



Fossil Ceramic Watches!!!



para kay Labs





at para kay Lit Coo


Wala silang His & Hers watches. Hmmmp! Pumili na lang kami ng halos pareho. Same color. And same ceramic watches. Impulse buy ni Labs ito. Ang maganda lang sinama nya ako sa impulse buy nya, hehe! Thank you, Labs!

Matagal na rin kasi kaming hindi nagre-relo. Sa mobile phones kami tumitingin ng oras. Wala lang... napadaan lang kami sa Fossil store at naisipang bumili ni Labs. Sa aming dalawa si Labs talaga ang impulsive buyer.

Teka, parang His & Hers watches ang gusto ko nung Pasko ah. Pero nakalimutan ko na. Hindi naman kasi masyadong gustong-gusto. Hindi ko nga sya naisama sa list ng bibilhin ko. Pero dahil inalok ako ni Labs... bawas daw sa budget nya, hindi daw sa budget ko... eh di ok na ok. Tatanggi pa ba ako sa grasya. Haha! Cash naman kasi syang bibilhin ni Labs kaya pumayag ako. Pero kung ike-credit card, kahit anong ganda pa ng offer ni Labs, hindi ako papayag.

Grabe, nakakatuwa. Sa tanang buhay ko eto ang the best shopping ever (so far! haha). Unang-una, hindi sya utang. Hehe! Hindi pa rin ako shopaholic. Hindi pa rin ako impulsive buyer. Sobrang na-enjoy ko lang ang pag-shopping ngayon kasi lahat halos ng bagay na matagal ko na ninanais bilhin ay nabili ko ngayon. Delayed gratification talaga.

Weeeeeee! Sobrang natuwa ako Labs. Sobrang natuwa po ako, Lord. Thank you... Thank You... sa inyong dalawa :) *mwah*


No comments: