Binilhan ni Labs si Kenkoy II ng activity book na puro maze. First time mag-maze ni Kenkoy II kanina at nakahiligan naman nya. Yung una lang ang tinuro namin sa kanya kung paano gawin. Yung mga sumunod ay sya na lang mag-isa ang nag-solve. Naka-11 maze din sya. Ito ang isa sa mga gawa nya...
At isa pang update. Nakakabasa na si Kenkoy II ng oras. Hindi pa yung may mins. Either eksakto o kaya approximate sa hour. Kakatuwa. Alam na rin ang rainbow colors. Alam na rin nya kung paano magbilang ng 1-5 in Chinese. Ang galing. Ang dami na nyang natutunan sa school :)
mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Saturday, October 13, 2012
1st Drop
Sabihin Ko Lang...
na unang beses nabagsak ang Corelle plate namin kanina. At tunay ngang unbreakable. Mataas-taas din yun ang kinabagsakan pero buti na lang at hindi nga nabasag. Walang lamat. Walang bungi. Ayos! Kung hindi walang humpay na sermon na naman si Labs mula sa akin :P

Birthday Present
Balik tanaw: Birthday Present
And the winner is...
2nd Fossil ceramic watch. Weeeeee! Hindi pala maganda yung pearlized sa actual. Ang gaan. Parang laruan na hindi mawari, hehe! Di na ako nag-try nung ibang colors. Itong white lang. Bagay naman kaya ito na ang pinili ko. Maganda rin yung black kaso para may variation since black na yung isang watch ko eh white naman ngayon.
Eto pala ang istorya ng watch na 'to. Di ko matandaan kung na-blog ko na. Ulitin ko na lang ulit ang pagkwento kung na-blog ko na nga.
Tinanong ako ni Kenkoy kung excited ako sa birthday ko. Sabi ko excited ako for my next year's birthday pero this year ang pinaka-malungkot kong birthday. Pesteng depression kasi 'yan! Malamang narinig ni Labs ang usapan namin. Makalipas ang ilang araw, sabi ni Labs, mag-Marina Bay Sands daw kami sa birthday ko. Tuwa naman ako. Kaso naisip ko pagtapos ng isang gabi tapos na yun. Pwede ba kakong ako na lang ang pipili ng gift with the same budget. Ok daw. Kaya etong Fossil watch ang pinili ko. Ang saya-saya ko. Hindi rin kasi talaga ako mahilig sa surprises. Ewan ko kung bakit. Mas gusto ko ako yung pipili. Kaya nga lagi kong bilin kay Labs na wag na nya akong sorpresahin. Bigay na lang nya budget at ako ang pipili, hehe!
Natuwa talaga ako sa gift na 'to. Ang ganda-ganda, Labs. Thank you. I love you *mwah*

My 39th Birthday
Buong araw ang celebration. Nakakapagod pero masaya :)
Inihanda ko muna ang mga bata para sa school. Si Kenkoy pumapasok na mag-isa sa school. Si Kenkoy II ay hatid-sundo ko pa. Pagkahatid ko kay Kenkoy II ay sumaglit ako sa Adoration Chapel. Hindi na ako nakapag-Simba. Pero ok na rin sa Adoration Chapel. Tahimik talaga. Bagay talagang maging lugar para maka-usap si Lord.
Pagkauwi ko sa bahay. Gumawa ako ng ilang household chores habang pinapanood namin ni Labs ang 1st episode ng Arrow. Pagkatapos ay pumunta kami sa Ikea para mag-breakfast date. Stress-free pag wala si Kenkoy II :P
Ito ang breakfast namin...
Pagkatapos ng breakfast ay pinasuyo ko kay Labs na sunduin si Kenkoy II sa school dahil may mga kailangan pa akong tapusing trabaho. Buti pumayag naman :) Tapos inantay namin si Kenkoy from school. Mga 2pm na ata kami naka-alis ng bahay.
Nag-lunch kami sa Swensen's ION dahil sa paborito kong Crayfish Pasta...
At si Labs at Kenkoy ay mahilig sa pizza kaya umorder sila ng tig-isa. Pepperoni Cheese Pizza kay Labs at Hawaiian Pizza naman kay Kenkoy. Share naman kami ni Kenkoy II sa Crayfish Pasta.
Ito ang Ice Cream & Dessert Buffet area ng Swensen's. Pero hindi na rin kami nag eat-all-you-can ng ice cream. Umorder lang kami ng Firehouse Happy Birthday. Para rin syang Banana Split. Vanilla, strawberry & chocolate din pero may firehouse flame para makapag-birthday wish pa rin then blow the candle. Ang saya kasi kinantahan ako ng dalawang Kenkoy :) At medyo solo namin ang buong restaurant kasi weekday at hindi peak hours. Ok na rin pala na hindi kami nag-ice cream buffet kasi hirap na kami ubusin yung Firehouse Happy Birthday. Busog na rin siguro kami. Suko na kami sa tig-1 scoop of ice cream, haha!
Pagkatapos kumain ay tumuloy kami sa Fossil Ion para pumili ng birthday gift ni Labs. Ang ganda-ganda ng watch. Tuwang-tuwa ako :)
Pagkatapos ay Kinokuniya naman. Bumili si Labs ng libro at si Kenkoy II pumili ng coloring book nya. Barney ang napili ni Kenkoy II. Ang ganda lang din kasi activity book sya kaya nakakatuwa may bagong way para matuto si Kenkoy II na sumunod sa instructions.
Tapos tuloy kami sa Takashimaya. Bumili si Labs ng messenger bag na gagamitin nya for office.
At shempre pa hindi matatapos ang araw na hindi dadaan sa playground sa Paragon. Laro muna ang dalawang Kenkoy. After nila maglaro, ayaw pa umuwi ni Kenkoy II. Manood daw ng sine. Wala talaga sa plan ang sine. Search kami ng movies. Walang pambata. Pumunta kami sa sinehan, wala talaga. Exam month kasi ngayon kaya siguro walang movies na pambata. Busy ang mga estudyante na mag-review at prepare para sa exams.
At dahil wala namang movie na pwede sa mga bata, nag-dinner na lang kami sa Wendy's. Hindi pa kami gutom kaya nag-salad na lang kami.
Pagod na ang mag-aama ko kaya nag-taxi na kami pauwi. Ako lang ata ang may komportableng shoes kaya hindi masakit ang paa ko. Lahat sila hindi na halos makalakad dahil ilang oras na rin kaming naglililibot sa Orchard. Pero suko ako kay Kenkoy II. Ang hilig ipilit ang gusto nya. Di naman pwedeng pagbigyan lagi dahil magiging brat. At may mga requests sya na hindi talaga pwede pagbigyan. Nakaka-stress. Kailangan ko na talaga matutunan kung paano i-handle ang ganitong klase ng personality. Lagi kaming nagca-clash :(
Pero sa kabuuan, masaya naman ang araw ko. Mas masaya na. Kaunting depression na lang. Maraming salamat kay Lord, kay Labs, sa mga kids ko at sa lahat nang nakaalala.

Friday, October 12, 2012
Birthday Prayer
Dear Lord,
Maraming maraming salamat po sa 39 years na binigay Niyo po sa akin. Marami po akong material blessings na natanggap ngayong taon. Ang best-ever shopping ko po ay naganap this year. Pero hindi pala talaga sa material things nakukuha ang kaligayahan. Pasensya na po Kayo kung lungkut-lungkutan ako this year. Parang pinaka-matinding depression ko po ay nangyari ngayong taon na 'to. Pasensya na po Kayo kung nawalan ako ng ganang mabuhay. Pasensya na po Kayo kung di ko napahalagahan ang mga biyayang ipinagkaloob Nyo po sa akin.
Marami po akong kasalanan sa Inyo. Patawad po.
Sana tulungan Niyo po akong lagyan ng saysay ang buhay ko. Alam ko ilang taon na lang ang ilalagi ko sa mundo. Sana gawin ko pong makabuluhan ang buhay ko.
Ganun pa man, kahit na may depression (o mid-life crisis na po ba ito?), maraming-maraming salamat po talaga:
sa asawang patuloy na nagmamahal, sumusuporta at umiintindi sa akin,
sa mga anak na malulusog at nag-aaral ng mabuti,
sa mga special skills/talents ng mister ko at ng mga anak ko,
sa napakagagandang material blessings for this year,
sa panibagong taon na ipinagkaloob Nyo po sa akin.
Maraming-maraming salamat po.
Lord, milestone birthday na po namin ni Labs next year. Tulungan Nyo po akong mapag-desisyunan ng tama kung paano at kung saan po kami magce-celebrate (ako na raw po ang bahala kasi sabi ni Labs). Paki-provide din po sana lahat para po matuloy. Sige na po. Gusto ko po talagang maging special ang birthday celebration namin. Kung may iba po Kayong plans para sa amin, sana magandang sorpresa po iyon.
Marami pong salamat muli :) I love you.

Labels:
Answered Prayer,
Blessings,
Hayyy buhay,
Holidays,
Lit Coo,
Prayer Requests
Wednesday, October 10, 2012
Mga Banat ni Kenkoy II
Panay lakad ni Kenkoy II. Panay sabi ko naman na tumigil sa paglalakad.
Lit Coo: Stop walking.
Kenkoy II: Ok. Stop talking.
Ang nagger ko nga naman daw kasi. LOL.
-------------------------------------------
At pagkailangan nya ng attention ko at busy ako o kaya may ibang bagay akong inuuna kesa sa kanya, eto ang mga linya nya sa akin...
Listen to me. I'm talking to you.
O kaya naman...
Look at me (sabay hawak sa chin ko para i-move ang face ko paharap sa kanya). I'm talking to you.
Ang galing kumuha ng atensyon :)

Tuesday, October 09, 2012
Big Break for my Sister
Nakakatuwa naman ang news na natanggap ko ngayon. Villa Chef na ang sister ko sa Amanpulo. Tama, sa Amanpulo. Huwaw! Narating na nya ang matagal ko nang pinapangarap na isla :) Sana lang may employee discounts/privileges na pwede rin kami maka-avail, haha!
Sunday, October 07, 2012
Scrabble
Nakita ni Kenkoy kahapon...
Matagal na ang portable magnetic Scrabble na ito. Kaya lang naitabi ko hanggang sa nakalimutan ko na. Buti na lang at nakita ni Kenkoy kahapon at interesado syang matuto. Isa ito sa mga paborito kong board games nung bata pa ako. Tagal ko na ring hindi nakapaglaro nito. Ilang taon din. At masaya akong makalaro ang panganay ko kagabi. Simple pa lang ang mga words na nabuo namin. Di bale, pag naging habit na namin itong laruin mas magiging mahihirap din ang mga words na mabubuo namin.
Ang saya nya pa ring laruin. Sabi ko nga kay Kenkoy ganito ang mga laro nung bata pa ako. Ibang-iba sa mga games sa iPad ngayon. Pero malamang may Scrabble app din naman pero ito actual board game.
Kaaliw lang din itong mini-scrabble namin dahil may pang-score na sa board mismo. Di na kailangan ng lapis at papel. Magnetic pa kaya hindi basta-basta nagagalaw ang mga tiles.

Saturday, October 06, 2012
Dumating Din
Balik tanaw: Disadvantage of Online Shopping
Sa wakas dumating din ang order ko. 10 days bago dumating pero ayos na rin dahil umabot naman para sa birthday ko. Ito ang isusuot ng dalawang Kenkoy sa aking kaarawan :)

Thursday, October 04, 2012
Children's Day 2012
Bukas ang Children's Day dito sa Singapore. At kanina ang celebration sa school.
Nakakaaliw si Kenkoy II. Cool na cool lang sa relay game nila. Parang di nya ata alam na kailangang bilisan. Nabagalan ako kasi full of energy ang batang yun pero kanina ang cool lang nya. Pero nung napanood ni Kenkoy ang video sabi nya mabilis daw si Kenkoy II. Baka ako lang ang nababagalan. *LOL* Anyway, nanalo ang team nina Kenkoy II at malaki ang lamang nila :)
Nakaka-aliw panoorin ang mga bata. Simpleng laro lang pero ang saya-saya na nila. Nakakahawa ang kasiyayahan nila :)
May game din for parents. Na-pressure ako kasi alam kong nanonood ang anak ko. Sa isip ko dapat akong manalo para matuwa at maging proud din sa akin ang anak ko. Binilisan ko talaga. Buti na lang nanalo din ang team namin :)

Wednesday, October 03, 2012
Humupa Din
Balik tanaw: Sunud-sunod
Mabuti naman at mababa na ang labahin. Tumaas sya ng halos kasing-taas ko nung 1 week kaming walang washing machine.

Tuesday, October 02, 2012
Disadvantage of Online Shopping
Kung walang parcel tracking, nakakainis mag-antay ng binili online. Di pwede umalis ng bahay. At higit sa lahat di pwede mag-afternoon nap. Sana naman dumating na ang order ko. Ilang araw na akong walang afternoon nap. Ano kayang nangyari dun eh local seller naman? 5 days na mula nang pinadala ng seller. Sana dumating na kasi yun ang isusuot ng dalawang Kenkoy sa birthday ko at para makatulog na ako sa hapon :P
Monday, October 01, 2012
Updates on Blogger
Naiinis ako sa new changes dito sa Blogger. Ang lakas maka-consume ng oras para tumama sa output na gusto ko. Pag open naman sa HTML, ang gulo gulo na nya. Dati ang simple-simple lang. Ngayon ang dami-dami ng codes. #OC mode
Dear Blogger,
Sorry naman sa rants ko pero mahal pa rin naman kita, heehee!

Subscribe to:
Posts (Atom)