Saturday, March 19, 2011

Disney on Ice

School holiday na. At eto ang prize ni Kenkoy sa pagtitiyaga nyang mag-aral sa 1st term -- Disney on Ice! Ito ang pinili nya kesa sa Gazillion Bubble Show.


Mickey Mouse, Minnie Mouse, Donald Duck & Goofy

Lion King



Tinkerbell


Wednesday, March 16, 2011

My Super Sweet Sons

Nasa labas kami kanina. Nakikita ng maraming ibon si Kenkoy II. Sabi ko, "birds". Ginaya naman ni Kenkoy II, "birds" daw. Tapos sabi ko matutuwa sigurado si Kenkoy II kung ipapasyal namin sya sa S'pore Birdpark. Tapos biglang nag-litanya si Kenkoy -- Birdpark, Sentosa, S'pore Zoo, Universal Studios, Phuket, etc sabay sabing "Thank you for the nice memories Mama."

Awwww! Bilang isang nanay marami akong alinlangan. Marami ring kinatatakutan. Na baka hindi tama ang pagpapalaki ko/namin sa mga bata. Ang makarinig ng ganun mula pa mismo sa aking anak ay napakalaking affirmation na tama naman (so far) ang pag-aaruga namin sa kanila. Mangiyak-ngiyak ako. Sobrang sulit ang hirap at pagod sa loob ng 9 years. Hindi sa nanunumbat. Sinasabi ko lang na mahirap talaga, nakakapagod at napakalaking responsibilidad ang maging fulltime hands-on mommy. Pero sa mga ganitong pagkakataong ay overwhelming ang saya. Tapos kanina habang pinapatulog ko naman si Kenkoy II ay panay ang kiss nya sa akin sa lips at panay haplos sa hair ko. Para akong isang Ulirang Ina awardee. Haha!

Maraming salamat sa Diyos sa malalambing na anak :)


Monday, March 14, 2011

Window Shopping

May free ice cream si Kenkoy sa Ikea. Pumunta kami sa Ikea para ma-claim ang ice cream. Naglaro na rin dun ang magkapatid. At sa pamamasyal namin sa Ikea ay ang dami naming nakitang Mommies kasama ang kids nila.

Lit Coo: Look! The Daddies are busy working (in the office). And the Mommies are (here) busy spending.
Kenkoy: Yeah, it is not fair!

Hahaha!


Cashflow

Nagpapabili si Kenkoy ng Monopoly game. Sabi ko wag na lang kasi mawawala nya lang sigurado yung mga materials. At saka meron naman kaming Cashflow gameboard. Yun na lang kako ang laruin nya. Kahapon pa kinukulit ni Kenkoy si Labs na maglaro sila ng Cashflow. Sa wakas naglalaro na silang mag-ama ngayon. Nage-enjoy naman silang dalawa. Medyo nage-gets naman ni Kenkoy ang objective ng game. Sana nga marami syang matutunan sa game at mai-apply sa totoong buhay paglaki nya.

Sunday, March 13, 2011

Training Pants & Diaper Bag

Baby Fair sa Takashimaya hanggang 27 March. Sabi ko kay Labs tumingin kami ng training pants para hindi masyadong wet si Kenkoy II habang nag-aaral pa syang mag-weewee at mag-poop sa potty. Nakahanap naman ako. 2 for $9. Ok na yun kasi yung unang nakita namin sa Mothercare ay 2 for $27.

Yun nga lang habang naghahanap ako ng training pants ay may natipuhan akong diaper bag. Sabi nga ni Labs iba na lang daw bilhin ko. Kaya nga daw ipo-potty train si Kenkoy II para maging diaper-free tapos bibili naman ako ng diaper bag. Oo nga naman. Hahaha! Patawa ako.

Pero di pa rin ako napigilang bumili nung diaper bag. Naguguluhan kasi ako sa bag na ginagamit ko. Dito sa new diaper bag ay ang daming pockets... iba't-ibang sizes, haha! Saktong-sakto sa gamit ni Kenkoy II.

At shempre pa sa mall agad ako naglipat ng gamit from my old bag to the new one. Excited much? Hahaha!

Pahabol:
Binilhan din pala ni Labs si Kenkoy ng kanyang 1st Dictionary (Macmillan Dictionary for Children).


Thursday, March 10, 2011

Phone Call

Habang naglalakad kami ni Kenkoy nung sinundo ko sya from school...

Kenkoy: I used my 20 cents. I called Papa.
Lit Coo: Why?
Kenkoy: I just told him that I enjoyed school. And I asked him how he was doing.

Ang sweet sweet talaga ng panganay ko. At parang ayoko pa maniwala kaya tinanong ko pa kay Labs. Tama daw ang kwento ni Kenkoy :)


Disney on Ice

May tickets na kami para sa Disney on Ice. Yipeee! Prize ito ni Kenkoy sa pag-tiyaga nyang mag-aral sa katatapos lang na 1st term.

1st Disney on Ice 'to ni Kenkoy II. 2nd naman ni Kenkoy. Pero ibang story yung unang napanood namin at sa Araneta Coliseum naman yun. Sana mag-enjoy ang lahat :)

Thank you Labs sa prize :*


Saturday, March 05, 2011

Bad Dream

Hindi maganda ang panaginip ko.

Nagkakamali-mali daw ang mga kamag-anak ko sa pangalan ni Kenkoy at Kenkoy II. Magkatunog kasi. Nag-react naman ang Kuya ko. Sabi daw "Bakit kasi ganyan? Palitan nyo nga pangalan."

Na-highblood ako bigla sa comment. Sensitive ako sa pangalan ng 2 boys namin. Kung ayaw ng iba. Kami, gustong-gusto namin yun. At salamat naman sa Diyos dahil love din ng boys namin ang names na napili namin for them.

Mabalik sa kwento. Na-highblood nga ako. Sumagot naman daw ako ng "BAKIT NAKIKI-ALAM BA AKO SA PANGALAN NG MGA ANAK MO?" Tapos di ko na pinansin. Nung pauwi na sya sa bahay nila, sabi ko daw ay "WAG KA NANG BABALIK DITO (sa bahay ng Mommy namin)." Tapos iniisip ko na raw na hindi na kami uuwi sa Pinas ng ilang taon.

Katakot naman. Akala ko totoo. Buti panaginip lang ang lahat.


Friday, March 04, 2011

Isang Dekada

March na pala. 10 years ka na pala sa Singapore Labs.

Wala pa ang Esplanade, Singapore Flyer, Marina Bay Sands, Resorts World, Universal Studios, Vivo City, Ion.

Wala pa rin ang train to/from Changi airport. Wala pa ang Nort-East Line at ang Circle line.

Mas kaunti pa ang Pinoy dito dati.

Parang na-miss ko bigla yung Singapore na inabutan natin dati. Oh well!


Thursday, March 03, 2011

Kenkoy II's Vocab

Mga naganap kanina...

Nung umaga may nakuhang bookmark si Kenkoy II sa bookshelf. Tumakbo papalapit sa akin. Tinuro yung picture sa bookmark. "Jesus... Jesus.", sabi nya. At tama sya, si Jesus nga ang nasa picture :)

Nung hapon naman ay kausap nya ang Papa nya sa phone. Sabi nya, "Papa, busy? Busy?" Hehehe!

Dagdag na rin sa vocabulary nya ang "Hey!" Kino-correct ko nga lang kasi tinatawag akong "hey". Mama naman ang tawag nya sa akin dati pero kagabi biglang tinatawag na ako ng "hey". Iniisip ko tuloy kung sino sa amin dito sa bahay ang naghe-hey.


Math Exams

Naka-perfect score si Kenkoy sa kanyang 1st term Math exams. Yipeee! Ang hirap ma-achieve nun dahil advance ang Math dito. Kung ako ang 3rd grade student sa panahon ngayon hindi ko alam kung kakayanin kong maka-perfect score din.

Dagdag ko na rin na ang section nina Kenkoy ang best class sa buong Primary 3. May 9 sections at nasa cream section si Kenkoy. Mana ka sa akin anak, hahaha! Nasa cream section din ako nung 2nd-4th yr high school ko.

Bravo Kenkoy! Salamat sa pagtityaga mong mag-aral. Sana i-enjoy mo lang ang pag-aaral at naway magamit mo sa buhay lahat ng pinag-aaralan mo ngayon.

Thank You din po Lord sa tulong Niyo kay Kenkoy.


Wednesday, March 02, 2011

Sleeping Problem

I need help. Paano ba matulog na di iniisip ang mga pending na trabaho o ang mga dapat gawin kinabukasan? Nakakainis kasi nasasayang ang oras ko sa paikot-ikot sa kama ng mga isa hanggang isa't kalahating oras bago pa ako makatulog. Iilang oras na nga lang ang maitutulog ko, sabihin na nating limang oras, tapos mababawasan pa ng isang oras. Nakakapagod at nakaka-stress na pagod na pagod ka na... gusto mo na magpahinga... pero di ka makaulog :(

Isa pang nakakainis ay hindi ko masabayan sa hapon ang tulog ni Kenkoy II. Dahil nga sa tagal kong makatulog eh gising na sya bago pa ako makatulog. Wahhhh! Nakahiga lang ako. Nakapikit. Pero gising ang diwa. Hayyyy!

Inggit ako kay Labs na isang minuto lang pagkahiga ay tulog na. Gusto ko ng ganun. Gusto ko na magpahinga. Paano ba yun? Sabi ni Labs i-clear ko daw ang mind ko. Di ko naman magawa. Naiisip ko ang mga gagawin ko. Isa pa conscious ako sa oras. Natatakot akong mapahimbing ng tulog dahil baka di ko marinig ang alarm... male-late si Kenkoy sa school. Paano kaya ito? Tulong naman po. Baka may maipapayo kayo. Salamat.


On Material Things

Ngayong nagkaka-edad na ako marami na sa mga kaibigan ko ang umaasenso sa buhay. Pag yumayaman pala nag-iiba na rin ang ugali. O ako ang nag-iiba? Napansin ko lang kasi na dumidistansya ako sa mayayaman. Kung may mga taong social climber, kabaligtaran naman ako. Hindi ako komportable sa kasosyalan sa buhay. Pero depende rin naman. May mga kaibigan pa rin akong mayaman na tinuturing ko pa ring kaibigan. Sila yung simple pa rin kahit mayaman na. Sila yung hindi pinangangalandakan ang kayamanan. Sila yung hindi material things ang pinahahalagahan sa buhay.

Sana lang ang mga anak ko ay makita nila ang kaligayahan sa mga simpleng bagay sa mundo. Sana makita nila at pahalagahan ang mga dapat pahalagahan gaya ng pamilya, kaibigan, relasyon sa Diyos kesa sa mga damit, sapatos, alahas, kotse, at kung anu-ano pa.


Blogging is Lame

'Yan ang sabi ni Kenkoy.

Tinanong ko kung bakit. Wala naman daw kasing nakaka-usap. Well, wala kasi syang nakikitang nagco-comment sa mga blog entries ko, hahaha!

Ang sabi ko naman sa kanya, ang mahalaga para sa akin ay maisulat ko ang nasa isip ko. Ganun lang ka-simple :)


Tuesday, March 01, 2011

Date

Hubby is asking me out on a date. Weeee! Super like. Ang haba-haba ng hair ko ;)

"Kelan ba tayo pwedeng mag-date?" tanong nya. Promise kinilig ako dun. Hindi kasi kami regular na nagde-date. Yung paglabas-labas namin every Sunday after the Mass I consider it as Family Day. Tapos ngayon Labs is asking me out. Wala pang okasyon. Mas lalung nakaka-in love :)