Bumili lang ako ng tickets para sa date namin ni Kenkoy ay dumugo na ang labi ni Kenkoy II. Hayyyyy! Sobrang lilikot ng mga anak ko. Ayaw pasaway. Sinabi nang huwag tumakbo. Nagtakbuhan pa rin nang nagtakbuhan. Ayun, putok ang labi :(
At nung ihahatid ko sya kanina sa school ay napahiga naman sa kalsada. Ililipat ko kasi sya sa safe side. Itina-transfer ko from my right hand to my left hand, biglang tumalon, ayun napahiga :( Hilig nya kasing tumalon. Di nya siguro napansing hindi ko na sya hawak. Hindi naman ata nauntog ang ulo. Hindi ko na napansin. Pero active pa rin at parang walang nangyari. Buti hindi napaano ang buto sa likod.
Hayyyy, talaga. Ganito rin ba kalilikot ang mga kids nyo?
No comments:
Post a Comment