Wala halos pictures kasi handphone ko lang ang dala ko. At di ko pala na-fully charge bago kami umalis kaya nag-battery empty na after naming mag-lunch. Anyway, ito ang ilan sa mga larawan namin...


Ipinaliwanag kung ano ang apoy. Ipinakita at ipinaliwanag din ang fire tornado. Maganda ang exhibit. At nakakatuwang nag-participate si Kenkoy sa discussion. Sya ang isa sa mga nagtaas ng kamay at nasagot ang tanong ng presenter. Nakakatuwa lang. Sana lagi syang confident at wag mahiya pag may public gatherings.
Napili kong pumunta kami sa S'pore Science Centre para ma-introduce si Kenkoy sa Robotics. Umattend sya ng kauna-unahan nyang Robotics Workshop.
Habang nasa workshop si Kenkoy ay namasyal muna kami ni Kenkoy II. Pumunta kami sa mga optical illusions at sa sound corner. Nakinig at nanood din kami ng show tungkol sa sound.
Pagkatapos ay sinundo na namin si Kenkoy, nag-lunch at tumuloy sa area ng tungkol sa fire. Dito na yung show tungkol sa fire tornado. Ito rin yung area na may laro tungkol sa cannon. Dito kami medyo nagtagal kasi nakakatuwa yung interactive game.
Namasyal din sa marine life. At shempre pa, ang all-time favorite ng mga anak ko... ang water play. Dito na sa water playground talaga nagtagal. Medyo nakakapagod din kasi kailangan pa ng supervision ni Kenkoy II kaya buntot na naman ako nang buntot sa kanya. Nakakatuwang makita ang dalawang bata na masaya. Kinakabahan lang ako baka lumala ang ubo ni Kenkoy II. May ubo na naman. Mula ng pumasok sya sa school every month na lang ay may ubo sya :(
Siguro mga 1.5 hrs din kami sa water playground. Pagkatapos ay pinaliguan ko na si Kenkoy II. Nakupo, walang heater! Ang lamig ng tubig kaya pinaspasan ko na lang pagpapaligo kay Kenkoy II dahil nangatog na sya sa lamig.
After sa water playground ay nagyaya si Kenkoy sa Math area. Ang ganda pala sa area na yun. Marami ring interactive & physical games. Next time dun muna kami pupunta. Saglit na lang kami dun kasi closing time na.
Talagang from opening to closing time kami nasa S'pore Science Centre, haha! Pero marami pa kaming hindi napupuntahan. Malaki ang area at maraming exhibits. Kailangang bumalik ng ilang beses. At magaganda ang presentations. High-tech kung high-tech :)
Sa kabuuan, magandang karanasan. Tuwang-tuwa ang dalawang Kenkoy. Kailangang maulit muli.
Thank you, Labs!
Thank You din po, Lord! At thank You, Lord, sa magandang weather. Maaraw po maghapon. Wala ring kulog at kidlat. Maraming-maraming salamat po sa pagdinig sa aking panalangin.
No comments:
Post a Comment