Wednesday, March 21, 2012

Halfway Done

Nakaka-9 8"x8" layout na ako. 10 pa... I mean, 10 na lang (para kunwari madali at saglit na lang, haha). Enjoy naman akong gawin. Yun lang sa isip ko, "Sa dami ng backlog ko sana yung sa family ko ang pinagpupuyatan ko." Pero ok na rin kasi nakakuha ako ng momentum. Ginanahan ulit akong mag-scrap. Na-realize ko kaya ko palang maka-9 layouts in 3 days.

So far, happy naman ako sa output ko. Sana lang mapa-wow ang client. O kahit hindi na wow... kahit ma-meet lang ang expectation, pwede na rin. Wag lang sana below expectations dahil nakakahiya. Kaya ang hirap pala pag may bayad. Di ako sanay, hehe!

Sana lang din pumayag ang client na mai-post ko ang finished product sa FB na naka-public setting. Papayag naman siguro kasi halos lahat naman ng photos and FB status nilang mag-asawa sa FB ay naka-public setting. Pero shempre hihingin ko pa rin ang permission nila at sana nga pumayag.


No comments: