Nakapag-usap kami ni Labs kahapon. Wala na pala syang plano na sundan pa si Kenkoy II. Nalungkot naman ako dun. Nalungkot talaga ako. Ganunpaman ay naiintindihan ko rin si Labs. Tumatanda na nga naman kami. At ilang taon na rin syang nagta-trabaho. Mabigat ang responsibilidad ng isang bread winner. Kaya kahit gusto ko pa sana ng isa pang baby ay pumayag na rin akong bunso na si Kenkoy II. Para naman mabigyan namin ng quality life ang dalawang Kenkoy at para sa amin ding mag-asawa... para makapag-enjoy enjoy din sa buhay. Kaya kung saka-sakaling masusundan pa si Kenkoy II ay unplanned pregnancy na yun pwera na lang kung mag-iba pa ang isip naming mag-asawa.
Napag-desisyunan na rin kung saan kami mamamalagi. Nakapili na kami. Sana tama ang desisyon namin.
Gumawa na rin ako ng listahan ng mga short-, medium- and long-term goals para sa aming pamilya. Naka-post sa isang lugar na araw-araw ko makita para maalala kong ipagdasal at para inspirasyon na rin sa buhay. Para mas may dahilan pa para mabuhay.
Lord, patnubayan Niyo po ang aming mga plano at mga pangarap para sa aming pamilya. Kayo na po ang bahala sa amin lalu na sa dalawang Kenkoy. Maraming maraming salamat po.
No comments:
Post a Comment