1st Date with Kenkoy
2nd Date with Kenkoy
Ok, eto na po ang kwento ng aking 3rd date with Kenkoy. Naisipan ko (o namin ni Labs) na i-introduce na si Kenkoy sa musical plays. Ito ang napili naming 1st musical play for Kenkoy...

Dahil ata ito ang malapit na ang play date. For ages 4 yrs & older kaya hindi pa pwede si Kenkoy II. Kami na lang daw sabi ni Labs. Play dates daw sa amin ng mga bata at movie dates naman ang bonding moments nila ng mga boys. Nice idea, Labs!
Shempre pa excited ako dahil bukod sa date namin ni Kenkoy ay ngayon na lang ulit ako makakapanood ng play. Dalaga pa ako nung huling nood ko. Bf-gf date pa namin ni Labs yun.
So after ng piano class ni Kenkoy ay tumuloy na kami. Sakto naman afternoon nap ni Kenkoy II kaya walang iyakan at walang inggitan na nangyari. Na-check ko na sa internet kung paano kami makakarating. Bago rin kasi ang place. 1st time namin sa Fusionopolis. Buti na lang malapit lang sa amin. Isang sakay ng bus lang. Mga 15-min travel time kasama na paglalakad. 430pm ang show time. Mga 345 nasa Fusionopolis na kami. Buti hindi kami naligaw. May sense of direction din naman pala ako kahit papaano, hahaha!
Sayang hindi ko na-picture-an ang Fusionopolis. Research & development complex pala sya. May retail shops din kaya akala ko mall na naman. Ang sosyal lang ng lugar.
At dahil maaga kami dumating ay antay muna kami sa lounge. Sayang talaga di ko naisipang picture-an. May photos sana kada kwento. Di bale, sa next date pipicture-an ko na. Ang ganda rin ng toilet gaya ng ibang naggagandahang toilets dito sa Singapore. Kakaiba rin ang architectural design ng toilets ng Fusionopolis kaya maganda.
Nakipag-usap muna si Kenkoy sa ibang batang nag-aantay din. Natapat nga lang sya sa isang pilyong bata. Ang bully ng bata. Di ko gusto ang tabas ng dila :P
Karamihan ay mga foreigners na puti ang kasabay namin sa panonood. Kung may locals man eh halatang mayaman na locals. Ang soyal ng place. Ang sosyal ng mga tao. Nakakapanibago. Di ako sanay sa mga sosyal, haha!
Sabi ko nga kay Kenkoy, "This place is for rich people. Why are we here?" Sagot naman ng bata, "We will watch a play, remember?" Bwahaha! Oo nga naman.
Anyway, nag-start na ang play. Ang lapit lang namin sa stage. Pang-7th row kami. Nagtaka ako bakit yung gumaganap na character ni Hansel ay medyo nakakalbo na. Mataas na ang hair line. Kala ko mga bata ang gaganap. Ayun pala, 2 actors lang all throughout the play. Silang dalawa ang Hansel & Gretel. Sila na rin ang parents. Sila na rin ang witch. Haha! Dapat talaga makinig para di malito. Di naman nalito si Kenkoy. Magaling yung babae, naiiba nya talaga ang boses nya. At mas convincing ang pag-arte. Ok din naman yung lalake, mas magaling nga lang yung babae. Pero sobrang enjoy kasi musical. At dahil play ay nakikipag-communicate sila sa audience. May part na nagtatanong sila at sumasagot naman ang audience. May part din na pumunta sa audience ang witch para kukuha "daw" ng bata. At si Kenkoy lang ata ang batang nagtago sa ilalim ng silya, hahahaha! Nakakatuwa ang reaction nya.
After ng play ay naghanap kami ng makakainan. Pastamania at Starbucks lang ang pagpipilian. Sarado ang food court. Eh Pastamania na kami nung last date kaya no choice, Starbucks naman kami ngayon.
Pagkatapos ay umuwi na kami. Ang saya-saya lang. Sana maulit muli. Pero siguro sa June or July pa ang next play date.
Thank you, Labs!
Thank You din po, Lord!
No comments:
Post a Comment